Chapter 16

90 11 0
                                    

Yen's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Yen's POV

Masaya ako at nakakausap ko ng ganito si Joao, dati kasi halos hindi ko siya maabot pero ngayon nasa harapan ko na at ngumingiti at tumatawa. Pero sa likod no'n ay si Jill ang dahilan. Aksidente na nando'n ako sa garden at nakita ko siya, nagulat ako dahil nakilala niya ako at bigla na siyang nagkuwento tungkol kay Jill.

Alam ko ang love story nilang dalawa, nirerespeto ko ang feelings ni Jill at siya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon. Pero sa kabila no'n, gusto kong aminin sa aking sarili na gusto ko si Joao!

Pero dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Jill hangga't kaya kong itago ay gagawin ko wag ko lamang siyang masaktan.

"Yen," tawag ni Jill, nagulat pa ako dahil nasa harap ko na pala siya kaya napatayo ako.

"Jill!" niyakap ko siya ng mahigpit. "Akala ko ay hindi na kita makikita ulit, ang saya ko kasi andito ka." tinapik-tapik niya ako ng mahina sa balikat ko saka kumalas sa yakap ko sabay ngumiti na parang isang anghel.

"Masaya ako dahil mukhang naging maganda ang kapalaran mo at ngayon nakakaharap ka na ng mabuti sa mga tao. Congrats nga pala."

"Salamat Jill, teka ikaw ano ang ginagawa mo rito? Work?"

"Oo, Ass. Stylist ako ng One Dream."

"Nila Joao?" gulat ko pang nabanggit ang pangalang 'yon. "Sorry."

"Hah? Bakit ka nag so-sorry diyan? Wala namang kami." hinawakan ko ang kamay niya. "Ikaw? Magkakilala pala kayo?"

"Ahh, eh oo." halos hindi ko alam ang isasagot ko.

"Gusto ko lang magpasalamat sa 'yo sa tulong mo sa amin ni Drake noon." tapos niyakap niya ako.

"Wala 'yon Jill, para na kitang kapatid pati si Drake. Masaya ako at nasa maayos kayong kalagayan."

"Ako dapat ang magpasalamat dahil kun'di sa iyo malamang hindi ko maaabot ang pangarap ko, mas pinahalagahan ko na ang aking buhay."

"Kahit sino gagawin 'yon."

"Hindi ah, ang tapang mo para gawin 'yon."

"Hmm, ikaw talaga. Sige balik na ako sa dressing room baka kasi hinahanap na ako ni Manager Rick."

"Ingat ka Jill, bonding tayo minsan." tumango lang siya. Akmang lalabas na siya ay bigla namang pumasok si Joao na kahit ako ay nagulat.

"Yen, tara lunch tayo hihintayin kita." hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya halos pumaling ang ulo ko sa pagtango. Nakita kong ngumiti si Jill bago tuluyang lumabas, hindi naman nagtagal at lumabas na din si Joao.

Ang lakas ng tibok ng puso ko, ibig nitong tumalon. Pero parang awkward, hindi ko naman intensyon na makasakit pero si Jill na ang nagsabi na wala na sila. Gusto ko lang din makilala ng lubusan si Joao, hindi ko man alam ang dahilan kung bakit biglaan ang paglapit-lapit niya sa akin. May music video at movie yatang pinaplanong gawin ang management sa aming APGirls at One Dream at sakto pang si Joao ang leading man ko. Pero ang balita ko si Step ang leading lady niya tapos nakiusap daw si Joao sa management na ako na lang, syempre masaya ako pero sigurado akong hindi magiging maganda kung alam na ni Step ang tungkol do'n.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon