Author's note

20 2 0
                                    

Isang Pangarap

Dahil sa Isang Pangarap nabuo ang lahat. Marami akong natutunan sa character ni Jill Amble, hindi mo kailangan ipilit ang isang bagay na gusto mong makamit upang maging maayos ang lahat. Minsan mas mabuting isantabi ang pangarap para sa mga mahal mo, kasi para sa akin kung para sa iyo ay tiyak ipagkakaloob ni Lord. Magpatawad, unahing patawarin ang sarili bago mo patawarin ang iba nang sa ganon matutunan mong mahalin ang sarili mo. Ayos lang na hintayin mo na kusang ang puso mo ang magpasya kaysa pilitin ang iyong sarili dahil wala ng mas sasarap sa pagpapatawad kung ito ay bukal para sa iyo. Huwag kang matakot sumubok muli sa pag-ibig kung minsan ka ng nasaktan ay ayos lang dahil ang kapalit naman no'n ay walang hanggang kasiyahan. Hindi mo kailangan pumili kung pamilya, special someone o ang pangarap mo. Nakakalito hindi ba? Kasi ang totoo niyan nakapaloob na sa Isang Pangarap mo ang lahat ng iyan. Maging matapang upang harapin ang lahat ng mga takot mo nang sa ganon masaktan ka man, tatayo ka ulit at patuloy na lalaban sa buhay.




Finally! After 2 and a half years natapos ko na ang Isang Pangarap. Maraming salamat sa inyong lahat.

-Completed-
2016-2019

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon