Joao's POV"Ford, saan ka galing?" nag-aalalang tanong ni Russell sa humahangos na tumatakbo palapit sa amin na si Ford.
"Sorry, ang lakas ng ulan kagabi nagpatila ako kela Raine." nagkatinginan kaming lahat. "Oh! Alam ko na 'yang mga iniisip niyo, nag-magandang loob lang 'yung tao." paliwanag pa niya.
"Wala naman kaming sinabi e." natatawang sambit ni Tony at Niel.
"Teka, maiba nga tayo., kumusta si manang Mida?" lahat sila ay malungkot na tumingin sa akin.
"She will be okay, at ayos lang ako kaya wag kayong mag-alala. Kapag natapos ang operation niya magiging maayos na ang lahat." kahit na alam kong may doubt sa sarili ko ay nagpasya pa din akong tigasan ang aking loob, lalo na ngayon na ayokong makita nila akong mahina.
Nang mag-text sila sa akin, halos huminto ang mundo ko. Si manang Mida ang kasama ko magmula bata pa lamang ako at hanggang ngayon na artista na ako, dahil palaging busy si mommy.
Lahat kami ay tahimik na naghihintay, hanggang sa biglang dumating si Manager Rick.
"Boys, Jill is coming."
"What?" sabay-sabay silang nagulat at tumayo, hindi na lang ako nag-react parang may sumilip na saya akong naramadaman pero hindi ko iyon ipinahalata.
"Mauna na ako hah, Joao ayos ka lang ba rito?" pag-aalala ni Manager Rick.
"Sige po, ayos lang ako." masaya kong sagot.
"Tara na boys sumama muna kayo sa akin." lahat sila umalis at nagpaalam na babalik din sila agad.
Ilang oras pa akong naghintay at natapos na ang operation ni manang Mida. Natutulog pa siya at maghihintay na lang akong magising siya.
Nagpasya akong umuwi na muna para maligo at kumain. Dama ko ang pagod ngayon habang nagmamaneho kaya medyo binilisan ko na para hindi ako antukin.
Pagkarating ko ay nadatnan ko kaagad si Jill, oo siya nga na sinalubong ako ng magandang ngiti na pumawi ng pagod ko. Gusto ko siyang yakapin pero pinipigil ko ang aking sarili.
''Oh, ano Joao? Tatayo ka lang ba riyan?" bahagya akong natauhan sa tinuran ni Russell kaya natawa ako ng mahina.
"Ahh, maliligo lang ako at kakain tapos balik na ako sa hospital." akmang papasok na ako sa shower room ay biglang lumapit si Jill.
"Joao, sasabay na ako sa 'yo papunta sa hospital, gusto kong makita si manang Mida sabi kasi nila inoperahan daw siya." parang dati pa din mabait at malambing si Jill, kahit sumikat hindi nagbabago.
"Sige, pero okay ka lang ba? Kadarating mo lang baka kasi pagod ka." pag-aalala ko.
"Ayos lang saka importante sa akin si manang Mida, sige na maligo ka na hihintayin kita." saka siya bumalik sa sala kausap sila Manager Rick, ang sarap namang pakinggan na "Hihintayin kita" tsk. pansin ko talaga sa sarili ko nagiging assuming ako.
BINABASA MO ANG
Isang Pangarap (Completed)
Fiksi Remaja"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo." Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...