Chapter 6

142 14 0
                                    

Jill Amble's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Jill Amble's POV

*yawn*

Isang buong araw na walang tulog, halos nagka-sabay kasi 'yong exam at trabaho ko. Nag-inat muna ako at kinurot ang sarili, andito kasi ako sa pwesto at kailangan kong magbantay kahit na pumipikit na ang aking mga mata.

Kamusta na kaya si Drake? Dalawang araw na kaming hindi nagkikita haay miss ko na ang kapatid ko, di bale babawi ako pagtapos ko rito. Itinali ko ng mataas ang buhok ko saka sinimulang magtawag ng mga mamimili.

"Mga fresh na gulay at prutas kayo diyan!" habang nagtatawag ay siya namang dating ni Step na naka-pustura.

"Hoy Jill, akina 'yong benta at nagmamadali ako." bungad niya.

"Huh? Wala pa nga akong benta e, saka baka mamaya magsinungaling ka nanaman sa Mama mo at pag-bintangan ako ulit."

"Aba! Aba!" tapos inikutan niya ako. "Nagmamagaling ka na! Hoy palamunin ka lang sa bahay kaya wag mo akong mapag-salitaan ng ganyan! Umayos ka!"

"Alam mo Step, sobra-sobra pa nga ang bayad ko sa pagpapa-kain ninyo sa akin e, kung tutuusin may sukli pa nga!" dipensa ko.

"Talagang sinusubukan mo 'ko?" akmang sasampalin niya ako at biglang pinigil 'to ni Chunkee. "Aba't!" gigil niyang ibinaba ang kamay.

"Sige gawin mo! Ang kapal ng,"

"Nang ano?!" panlalaki ng mata nito.

"Ang kapal ng make-up mo! Mukha kang bangkay!" sabay tawa ni Chunkee.

"Chunkee, wag mo ng patulan." bulong ko sa kaniya.

"Anong wag! Eh sumosobra na 'tong hito na 'to e mukhang hindi pa nakakatikim ng palo-palong braso!" saka nililis ang manggas ng damit niya.

"Mga panget!" biglang atras ni Step na galit na galit at halos umusok ang tainga nito.

Halos lahat nang nakakita ay tumatawa. "Ano ka ba Chunkee? Gusto mo bang isumbong ako no'n kay tita? Ako nanaman ang malilintikan niyan e!" padabog akong umupo.

"Sorry na, hindi lang talaga ako makapag-pigil sa pinsan mong 'yon e!"

"Okay lang, salamat hah."

"Oh eto kumain ka para naman malagyan ng laman ang utak at tiyan mo, alam kong pagod ka sa school at trabaho mo." inilapag niya ang sinangag na may kasamang itlog,ham at pipino saka pinartneran pa ng fresh milk."

"Bakit ang dami?"

"Tsk. Actually si Drake ang nagpabili niyan dahil ilang araw na din kayong hindi nagkikita at alam niyang pagod ka. Miss ka na ng kapatid mo, sana naman kapag may oras ka dalawin mo sa bahay."

"Pasensya ka na Chunkee hah, alam mo naman na para sa kaniya lahat nang ginagawa ko. Pero sige mamayang gabi bago ako rumaket kumanta sa restobar dadaan ako sa inyo. Salamat talaga." tapos bigla ko siyang niyakap.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon