Chapter 37

53 3 0
                                    

Jill Amble's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Jill Amble's POV

Nag pe-prepare na kami para sa operation ni Drake pero mas kabado ako kaya hindi ko nagawang matulog kagabi kasi sobra akong nag-aalala. After kasi ng operation may mini concert ako sa Tukban, hindi nga lang kasama ang One Dream dahil lumipad sila ngayon patungong Japan para sa launching ng collaboration nila kasama ang bagong artist na nag debut last month.

"Hoy, ikaw ba ang o-operahan?" untag ni Chunkee.

"Kinakabahan kasi 'ko, saka baka hindi ko na mahihintay paggising niya dahil diretso kami sa Tukban."

"Huwag kang mag-alala diyan dahil nandito naman ako, hihintayin ko ang paggising ni Drake basta magdasal tayo okay?" tumango ako ng dalawang beses saka yumakap sa kaniya.

"Paano na lang kung wala ka? Sobrang salamat Chunkee."

"Ano ka ba Jill pamilya tayo rito." tapos niyakap niya ako pabalik.

"Salamat talaga."

"Oh siya tama na ang drama sumunod na tayo sa hospital, teka okay na ba 'yong mga dadalhin mo mamaya?"

"Oo okay na, tara na baka hinahanap na tayo ni Drake."










Premiere Hospital

Saktong pagdating namin ay bigla naman tumunog ang cellphone ko, sinagot ko ito agad ng hindi man lang tinitingnan kung sino iyon.

"Hello?"

"I love you." natigilan ako at tiningnan kung sino ang tumawag, actually kahit hindi ko na tingnan dahil boses pa lang ay alam ko ng si Joao.

"I love you too, good luck." masaya kong wika.

"Ingat ka, pakisabi kay Drake pag-uwi ko maglalaro kami, sa mini concert mo good luck. Mahal kita."

"Mahal din kita." at ibinaba ko na ang cellphone ko.



"Grabe ang tamis naman." hindi ko alam na kanina pa ako pinapanuod ni Chunkee kaya natawa ako ng mahina.

"Baliw ka Chunkee, halika na."

Pumasok na kami sa loob at hinanap namin kung saan ang room ni Drake may ilang oras pa kami before ang operation niya.



"Ate..." masayang bungad ng kapatid ko. Lumapit at niyakap ko siya.

"Drake, nandito lang ako hah basta magdasal ka tapos humiling ka kay papa Jesus na pagalingin ka niya. Sabi ni kuya Joao mo maglalaro kayo pagdating niya kaya dapat magaling ka na okay?" bigla siyang natuwa nang marinig niya ang pangalan ni Joao.

"Ate." sambit niya ulit, sobrang lambing at higpit ng yakap niya kaya niyakap ko siya pabalik.

"Drake, pagkatapos ng operasyon mo aalis lang si ate hah, may mini concert ako sa Tukban." ramdam ko bigla ang lungkot niya na para bang ayaw niya akong umalis.





Mayamaya pa ay pinalabas na kami ng isang nurse, humalik ako sa pisngi niya sabay bitaw sa kaniyang kamay.





"Oh, bakit namumutla ka Jill?" takang tanong ni Chunkee.

"Wala ito, kinabahan kasi ako saka nag-aalala talaga ako para sa kapatid ko."

"Jill, ang tagal mong hinintay na mapagamot mo si Drake at heto sabay pa ng pangarap mo. Magdasal na lang tayo okay?"

"Alam ko pero siguro kabado lang talaga ako, basta Chunkee pag-alis ko bahala ka na muna kay Drake kung hindi ko na mahintay matapos ang operasyon."

"Walang problema, teka hindi mo na talaga mahihintay ang paggising niya?"

"Nagtext kasi si Manager Rick na kailangan mas maaga ako sa location namin."

"Ganoon ba, mamaya susunod din sila mama rito."

"Totoo? Palagay na ang loob ko Chunkee. Salamat talaga." sabay yakap.

"Ano ka ba naman Jill, basta galingan mo mamaya at pangangahin mo ang ating mga kababayaan doon. Kami na ang bahala muna kay Drake."






**

Dalawang oras pa ang lumipas at maaaring hindi pa tapos ang operasyon.


"Jill, mahuhuli ka na sa mini concert mo."

"Gusto ko talagang hintayin Chunkee kung maayos ang kapatid ko."

"Jill, ang sabi ng mga Doctor ay gagawin nila ang lahat kaya wag kang kabahan at isa pa nagdasal tayo at patuloy na magdarasal para kay Drake. Sige na parating na rin naman sila mama."

"Chunkee." hinawakan ko ang kamay niya. "Basta tawagan mo ako kaaagad hah."

"Oo naman, sige na malayo pa ang biyahe ingat kayo. Kaya mo iyan Jill, alam mo naman na isa ako sa mga cheer leader mo." napangiti ako sa sinabi ni Chunkee.

"Sige salamat talaga hah." yumakap muna ako sa kanya bago ko tuluyang lisanin ang hospital.









Sisi Province
Tukban


Tatlong oras din ang naging biyahe namin, sobrang hina ng signal rito kaya hindi ako maka-recieve ng tawag o message man lang.

"Jill, handa ka na ba?" bungad ni Manager Rick.

Halos hindi ako makasagot kaya tumango ako ng nakangiti.

Nagbihis na ako at nag-make up. Pinatay ko na muna ang akong cellphone dahil wala rin naman itong signal. Nagdasal muna kami ng team ko bago mag-umpisa ang mini concert. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ako'y nabibingi.

Huminga ako ng malalim dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang pressure na nararamdaman ko, siguro ay sa tagal kong hindi bumalik sa lugar na ito.

Ipinagdasal ko ulit si Drake na sana successful ang operation niya.

Pagdilat ko nagbukas ang isang malaking curtain sa stage at bumungad ang daan-daan na tao na ikinagulat ko dahil hindi ako makapaniwala na natutupad dahan-dahan ang aking mga pangarap.

"Jill Amble!" sigaw ng mga tao at pumapalakpak na sila kahit hindi pa nag-uumpisa.

Gusto kong umiyak ngunit pinigil ko ito dahil sa halo-halo na ang emosyong nadarama ko ngayon na nakatayo ako sa entablado.

Binigyan nila ako ng spot light at nagsimula ng tumugtog ang instrumental ng aking kakantahin dahilan kung bakit mas lalong umingay ang mga tao at isinisigaw ang aking pangalan ng paulit-ulit.

Dati-rati ako ang taga panuod at nangangarap na sana isang araw ako naman ang mag-alay ng kanta para sa mga manunuod at heto natupad na. Akala ko kapag tumuntong ako muli rito sa Sisi Province ay puro sakit ang aking mararamdaman mula sa kahapon pero ngayon walang paglagyang kasiyahan ang nag-uumapaw sa aking puso.




Pagkatapos kong makapag perform ng halos anim na kanta ay hindi magkamayaw ang mga tao. Napuno muli ang puso ko ng saya dahil nakita ko ang mga ngiti at tuwa sa mga labi ng bawat manunuod.

Dati sa pagtulog ko ay isa lamang itong imahinasyon at pangarap na kahit kailan ay hindi ko naisip o nakita sa hinaharap na magkakatotoo itong lahat. Madami man ang pagsubok na dumating sa buhay naming magkapatid ay bumangon kami kahit wala ang aming magulang dahil kinaya namin ang bawat laban ng buhay at do'n pa lang ay nagpapasalamat na ako kay papa Jesus.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon