Ford's POVPinagmamasdan ko lang si Jill habang inaayos niya ang suot kong damit. Ang gaan sa pakiramdam kapag nasa paligid siya, iyong tipong kalmado nag buong mundo pati na rin ang buong pagkatao ko.
Sana kung pwede lang humiling na ako na lang ang mahalin niya, gagawin ko kaso hindi ko yata kayang palitan si Joao sa puso niya pakiramdam ko hanggang ngayon malalim pa din ang pag-iibigan nila kahit na todo iwas sa isa't isa ramdam namin kung ano 'yong pumipigil sa kanila kung bakit hindi nila maituloy ang relasyon nila.
"Ford? Okay na ba? Hindi ba masikip sa braso?" tila natauhan ako nang magsalita siya.
"Hah? O---Okay na Jill, s---salamat." naka ngiti kong wika.
"Tsk. nauutal si torpe king." tumawa ng mahina si Tony, mabuti na lang at si Niel na ang hinahanapan ng damit ni Jill.
"Uto, atay ingay mo baka marinig ka ni Jill nakakahiya."
"Hindi ka lang torpe mahiyain pa tsk. wala ka Ford."
"Kapag okay na siya."
"Hindi mangyayari iyon dahil kita at ramdam naman nating lahat rito na talagang si Joao lang ang laman ng puso niya."
"Hindi ako nawawalan ng pag-asa."
"Psh! Bahala ka, teka alam mo na ba? Member na ng APGirls si Step?" muntikan ko ng mabuga 'yung iniinom kong tubig.
"A----Ano? Imposible! Pero paano nangyari 'yon?"
"Malamang nag-audition tanga!"
"Hindi, ibig kong sabihin ay kung paano nga nangyari iyon? Ang hirap pumasa do'n."
"Lalo na kapag walang invitation." napapihit kami ni Tony nang biglang dumating si Manager Rick.
"Invitation po?"
"Oo, para kay Jill 'yon sana kaso itong bruhang pinsan niyang si Step inangkin kaya ayun siya ang nakapasok sa audition at ngayon pati pangarap ng iba kinamkam niya!" ramdam namin ang galit at panghihinayang ni Manager Rick sa pananalita niya.
"Talaga namang kakaiba din 'yang pinsan ni Jill!"
"Shhhh, nariyan lang si Jill baka marinig tayo."
"Suway ni Tony." sabay kaming bumuntong-hininga ni Manager Rick.
"Oh, Manager Rick?" biglang lumabas si Jill na maaliwalas ang mukha.
"Jill, may sasabihin pala ako sa 'yo mamaya pupuntahan kita sa Condo niyo ahh."
"Okay po, anytime naman po. May kailangan po ba kayo ngayon?"
BINABASA MO ANG
Isang Pangarap (Completed)
Подростковая литература"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo." Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...