Chapter 41

56 5 3
                                    

 
Instrumental: Say something cover by: Kz Tandingan
(c) Al Lpp via Youtube

P:S gusto ko lang 'yong instrumental kasi bagay talaga sa Chapter na 'to.

P:S gusto ko lang 'yong instrumental kasi bagay talaga sa Chapter na 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kier's POV

Nang malaman ko ang pagkamatay ng kapatid ni Jill ay agad ko siyang naisip, marahil ay halos hindi niya ito makakaya dahil nakita ko kung paano niya alagaan at mahalin si Drake. 

Nakita ko sa social media ang balita at ang sabi ay sinadya ang pagpatay sa bata at ang suspek ay nahuli ngunit may itinuturo ito na nag-utos daw sa kanya. Hindi ako mapakali no'n kaya ako mismo ang nakipagtulungan sa mga pulis para mahuli ang dapat managot.

Ngunit bago ako magtungo sa pulisya ay minabuti kong pumunta sa libing ni Drake, ang hirap bigkasin dahil hanggang ngayon ay hindi ko makuhang maniwala.

Ang alam ko ay talagang agad-agad ang libing, isa ito sa desisyon ni Jill na sinabi niya sa akin. Nang malaman ko kasi ang pagkamatay ni Drake ay iprinisinta ko ang aking sarili upang kahit doon man lang ay makatulong ako. Sa telepono ko lang nakausap si Jill at tila normal ang lahat na walang Baja's ng sakit.



Nag-park ako sa malapit at tila wala pang masyadong tao. Bumaba na ako at lumakad palapit kung saan ililibing ang kapatid ni Jill. Halos lahat ay kulay puti ang damit ganon din ako.

"Kailan ka pa umuwi?" paglingon ko ay si Joao pala.

"Isang linggo na ako dito sa Pilipinas." tipid kong sagot.
Bumalik kasi ako ng Japan matapos ang nangyari noon.

"Ganoon ba, nagkita na kayo ni Jill?"

"Hindi pa pero nakausap ko siya sa telepono at nalaman ko lahat bukod sa media. Nakipagtulungan na din ako sa mga pulis, kung maaari sana'y samahan ninyo ako mamaya sa pulisya pagbalik ng Maynila.

"Bakit? Nahuli na ba pati 'yong nag-utos?"

"Oo, at ang gustong malaman ni Jill ay kung sino ang nag-utos nang pagpatay."

"Baka hindi ko alam ang pwede kong magawa kapag nakita ko 'yon!" nag-ngangalit sa galit si Joao at naiintindihan ko siya dahil ako man ay nagliliyab sa galit sa gumawa no'n!



Ilang minuto pa at nagsimula na maraming tao at media na hindi makapasok kahit dito sa Tukban ay dinayo ang libing. Sinimulan nang dasalan ng pari. Nakita ko ang mga magulang ni Jill na walang tigil sa pag-iyak. Lahat ay galing pa ng Maynila ay bumyahe papunta rito sa Tukban.

Nahagip nang aking mga mata si Jill na tahimik sa harap at nakatitig lamang sa kabaong ng kapatid habang unti-unti itong nilulubog at lahat ay naghagis ng mga bulaklak simbolo ng pakikiramay at pagmamahal.

Hindi ko din alam kung bakit sobrang bilis ng luksa at libing ngunit ayoko ng itanong pa iyon dahil siguradong maraming naglalaro sa isipan ni Jill.




Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon