Chapter 43

52 3 0
                                    

PS: Ginawa ko lang po iyong kanta nila dito bahala na kayo sa beat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



PS: Ginawa ko lang po iyong kanta nila dito bahala na kayo sa beat... Enjoy...

__________

1 year later..

Joao's POV

Narito kami sa Tukban at tinupad ng management na makasama namin si Jill kumanta. Noon ay isa lamang itong pangarap na walang kasiguruhan kung matutupad ba o hindi pero ngayon heto at sama-sama na kaming lahat.

Isang taon na din ang lumipas nang mawala sa buhay namin si Drake, mahirap ang naging proseso para kay Jill pero lahat kami ay hindi siya iniwanan. Ang tapang ni Jill para tumayong muli hinarap ang mga pagsubok.

Nabigyan na din ng hustisya ang pagkamatay ni Drake kaya kahit paano ay nabawasan ang bigat sa nararamdaman ni Jill.

Gusto ko siyang i-surprise, nagpatayo ako ng bahay dito sa Tukban malapit kung saan cemetery nakahimlay si Drake. Lahat ng makakapagpasaya sa kanya ay aking gagawin, ayoko na siyang makitang umiiyak at halos walang lakas.

Ipinagdasal ko ang lahat nang ito, ngayon handa na akong alagaan at mahalin si Jill habang buhay.

"Ang seryoso natin ah?" untag ni Ford na mag-aayos ng buhok.

"Syempre, e ikaw Ford?"

"Oh, bakit ako?"

"Si Rhaine?"

"Hoy Joao banda tayo hindi ka si tito Boy." sabay kaming natawa. "Pero aamin naman kami gusto lang talaga namin ni Rhaine na private muna."

"Naks."

"Tuloy ba ang plano mo? Akalain mo nga naman na si Jill na ang leader ng APGirls tapos kasama si Rhaine at Chunkee nakakatuwa 'no?"

"Oo tuloy. Oo nga parang kailan lang at naging maayos na din ang lahat. Bawat pangarap ay unti-unting natutupad."

"Natupad na Joao." sabay akbay ni Ford sa akin.



"Oh, paano ba 'yan? Hindi kayo nagsasama sa usapan niyo." sabay-sabay nagsalita sila Niel, Russell at Tony. Natawa na lang kami lahat.

Gusto kong magpasalamat sa poong maykapal at nalagpasan namin ang pinaka mahirap na parte nang aming buhay.









Ilang oras pa at nagsimula na ang concert. Halos hindi magkamayaw ang mga tao sa tuwa at galak.

"Isa ako sa libo-libong tao na humahanga sa kanila, kung nasa'n sila ngayon." nasa stage si Manager Rick na tila naluluha habang nagsasalita. "Binuo nila ang pagkakaibigan mula rito sa Tukban kapit kamay sila at saksi ako sa lahat nang pinagdaanan nila. Ngayon ay tutuparin namin ang isa sa kanilang pangarap na magkasama sa iisang concert kaya't sana ay inyong magustuhan at suportahan natin sila. Ayoko na pong patagalin pa, proud akong ipakilala sila. Ang ating pinakamamahal, "One Dream and APGirls!" habang palabas kami ay nagsitayuan ang libo-libong tao na nandirito ngayon.





"Mundo ko'y ikaw."
- Conposed by: Jhen Cabanding (kpopjhen)

Performed by: One Dream and APGirls

Tadhana'y hindi mapakali,
marahil ay may ikinukubling lihim.
Lahat ng bagay ay matutuklasan, bumalot man ang sakit mananatiling titindig.

Ang pagmamahal na hinihintay, ang puso kong puno ng sugat ay nananatiling manhid na tila hindi na magmaliw.

(Chorus)
Oh, ang buhay ko'y kulang kapag ika'y wala.
Oh, Oh, Oh, Maghihintay hanggang sa huli kahit umulan man o bumagyo.
Ikaw at ikaw lang ang mahal na hindi magmamaliw. Hindi maglalaho kailanman dahil mundo ko'y ikaw.
Oh, Oh, Oh.

Pasakit sa puso'y maghihilom, muling magbubukas ang araw at sisilaw sa iyong mga mata upang bumalik ang tuwa at saya sa bawat pusong iniwanan.

Babalik, babalik ay muling liliwanag ang mundong noon ay madilim.

Pakiusap ko'y iyong dinggin nang damdamin ay sumigla at tunawin ang lungkot.

Repeat
(Chorus)
Oh, ang buhay ko'y kulang kapag ika'y wala.
Oh, Oh, Oh, Maghihintay hanggang sa huli kahit umulan man o bumagyo.
Ikaw at ikaw lang ang mahal na hindi magmamaliw. Hindi maglalaho kailanman dahil mundo ko'y ikaw.
Oh, Oh, Oh.

Hindi maglalaho kailanman dahil mundo ko'y ikaw...



Matapos ang kanta ay nagsitayuan ang mga tao at tila hindi mawala ang tuwa sa mga mata nila ang iba ay naiiyak. Si Jill ang nag composed ng kantang 'to at alam kong si Drake ang dahilan kung bakit niya ito naisulat.

Lahat kami ay nagpasalamat ng buong puso at nag-iwan nang munting ligaya at ngiti sa kanilang mga labi. Kami ay labis na natutuwa sa nasasaksihan dahil para sa amin ay iyon ang importante ang kasiyahan.


**

Party sa Tukban

"Joao!" nagulat ako dahil may biglang yumakap sa akin at pinagtinginan kami. Mahigpit na yakap at tila kumalma ang puso ko.

"Jill," tanging sambit ko.

"Naaalala mo ba 'to? No'ng grumaduate tayo? Sumasayaw tayo ng ganito tapos nangangarap ng sabay." yumakap ako pabalik at hinalikan siya sa noo.

"Paano ko makakalimutan 'yon Jill? Isinayaw kita no'n at nangako tayo sa isa't isa na walang bibitaw. Alam kong marami nang nangyari pero heto nandito pa rin tayo kaya sobrang nagpapasalamat ako na kahit paglayuin at paglaruan tayo ng tadhana'y kusang bumabalik ang ating mga puso."

"Joao?" sabay yakap ng mahigpit at...

"You will marry me!" nanlaki ang mga mata ko na sana'y ako ang mag po-propose ng kasal sa kaniya ngunit laking gulat ko sa bulong niya. Napabitaw ako sa yakap niya at tinitigan siya, paglingon ko sa paligid ay nakatanaw silang lahat at may isinisigaw.

Hindi patanong kun'di naniniguradong pakakasalan ko siya.

"Sagutin mo na Joao!" mas nagulat ako dahil si Ford man ay alam ang aking plano. "Pasensya ka na Joao, mas malakas sa amin si Jill e." nagsitawanan sila.

"Jill?" halos hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang sasabihin ko.

"Hindi ako makakapayag na mawalay pa tayo sa isa't isa. Lahat nang sakit at bigat na aking pinagdaanan ay nariyan ka at hindi ako iniiwanan. Naging mahirap ang bawat araw sa akin ngunit kapag ika'y nasa tabi ko nababawasan iyon."

"Jill, alam mo ba na plano kong mag propose sa iyo ngayon?"

"Oo, kaya kinausap ko silang lahat. Alam ko na kakaiba ito pero gusto ko na ako naman Joao. Gusto kong gawin ito kasi mahal kita, parati kong hinihiling kay Lord na sana pang habang buhay na ito." marahan siyang lumapit sa akin at isinuot ang kuwintas na may singsing.

"J- - - Jill," bigla niya akong hinalikan sa labi at ang lahat ay naghihiyawan sa tuwa at kilig. Buong puso ko iyon na tinanggap dahil wala ng mas sasaya pa sa nararamdaman ko ngayon. Iyong taong mahal na mahal mo nag-propose sa iyo ay isang pangarap na akala ko'y malabong matupad.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon