Chapter 11

114 14 0
                                    


Tony's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Tony's POV

She's beautiful and kind. I don't know why, pero para siyang anghel na pinapakalma ang lahat ng tao kapag nakikita si Jill. Aminado naman ako noon na na-baliw talaga ako sa taglay niyang kagandahan at isama mo pa ang ugali niyang napakabuti.

She's almost perfect para sa 'kin, actually sa kahit na sino ang nakaka-kilala sa kaniya.

Pero alam ko kung saan ang lugar ko, bilang isang kaibigan niya hindi ko susubukang mag take advantage dahil alam ko kung gaano ka-mahal ni Joao si Jill. Tamang nagpaparinig ako pero lahat nang 'yon ay biro lamang ewan ko lang kay Ford na mukhang desididong manligaw kay Jill.

Ang gusto ko lang naman ay 'yong hindi na magtago si Joao sa nararamdaman niya, alam ko kung ano ang pinagdaanan niya noon dahil lahat kami ay saksi kung paano siya nadurog nang akalain niyang iniwan siya sa kawalan ni Jill. Siguro ay ang kailangan nila ay isang seryosong pag-uusap na silang dalawa lamang para magka-unawan sila.

Ewan pero kapag naaalala ko si Jill noon hindi ko maitago sa sarili ko ang saya.



FLASHBACK


"Hi Jill baka pwedeng akin ka na lang?" ngumiti lang siya. "Woah." bulong ko sa sarili ko, kasi mukha siyang anghel dahil sobrang ganda niya at pakiramdam ko ay matutunaw ako.

Ngayon lang ako nagka ganito sa tanang buhay ko, sa dami ng naging chicks ko ay kay Jill lang ako humanga.

"Aral muna Tony." mahinhin niyang wika na tila isang himig na ang sarap pakinggan.

"Ahh eh," sabay kamot sa ulo. "Salamat nga pala sa mga notes na ipinahiram mo sa akin, sana next time sabay tayong mag-aral."

"Oo naman 'yon lang pala eh, basta ba wag mo na akong kukulitin ligawan." tapos tumawa siya ng mahina, grabe para siyang ice cream na hindi mo hahayaang matunaw mag-stay lang siya.

"Pwede ba kitang ihatid sa bahay ninyo?" tumabi ako sa upuan niya.

"Ayos lang, kasabay ko din sila Russell eh."

"Okay lang, kung pwede sana araw-araw."

"Naku, Tony ahh aral muna po." tinapik niya ako ng mahina, ramdam kong namula ako sa simpleng tapik niya. "Oh, teka may sakit ka ba? Namumula ka." tapos sinalat niya ako sa noo at pisngi ko parang sasabog ako sa kilig hanep.

"Wala, wala. Ahmm mainit kasi rito hehe" para akong tangang tumatawa.

"Sige, mamaya na lang mag-re-review lang muna ako hmm ikaw rin." para akong maamong aso na tatango-tango.


"Mukha kang tanga diyan." untag ni Russell na tatawa-tawa.

"Ang ganda niya kasi tapos ang bait pa."

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon