FLASHBACK
1 year ago...Jill Amble's POV
Pinipilit kong iwaksi ang sakit na bumabalot sa aking pagkatao ngunit ang hirap dahil ako mismo'y hindi makawala. Pinunas kong muli ang mga luhang bumasa sa aking magkabilang pisngi saka inayos ang sarili.
Nakiusap si Nanay at Tatay na kung maaari ay magkausap-usap kaming tatlo. Mugto man ang aking mga mata at tila pagod kong katawan ay pinilit ko dahil marami din akong gustong sabihin sa kanila.
Marahan akong bumaba mula sa kotse ni Joao, hindi ko na hinayaan na samahan niya pa ako.
"Jill." nginitian ko siya at piniga ng bahagya ang kamay niya upang siguruhin sa kaniya na kaya ko 'to.
Sa di kalayuan ng park ay nakikita ko na sila magkahiwalay ang upuan at tila walang pag-uusap na nagaganap. Lumakad ako palapit sa kanilang dalawa.
Sabay silang lumingon at ngumiti ako ng matamlay na hindi ko alam kung paano magsisimula at kung paano lalagyan ng totoong guhit ng ngiti itong labi ko dahil sa totoo lang gusto ko ng umiyak ng malakas."Jill, anak." sambit ni nanay. Ang sarap lang pakinggan ngunit nangingibabaw ang sakit sa puso ko.
Umupo kaming tatlo at tila wala ni isa ang gustong magsalita kaya binasag ko iyon kahit wala sa loob ko.
"Ang tagal na din po simula nang umalis kayo pareho sa buhay namin ni Drake." bungad ko na tila gumulat sa kanila, marahil ay hindi nila iyon inaasahan. Ako man ay nabigla at bigla na lang lumabas.
Kinuha ni nanay ang kamay ko at inihaplos sa pisngi niya. "Anak, patawarin mo ako, kami ng tatay mo kung bakit iyon nangyari." binawi ko ang kamay ko at pinahiran ang taksil kong luha.
"Jill, anak hindi namin sinasadya patawarin mo sana kami."
"Sana noon niyo pa po ito ginawa. Sana ay buhay pa si Drake, alam niyo ba na pangarap niya na sana makasama kayo? Sana ay mabuo ang pamilya kahit na alam kong imposible ay pinilit ko pa rin. Kasabay nang pagtupad ng mga pangarap ko, namin at iyon ang nagbukas upang makarating sa Japan.
"Nakita kita nay, tumawag ako sa 'yo pero itinanggi ninyo na anak mo ako! Kaya nagpasya akong way ng sabihin kay Drake iyon dahil ayoko siyang malungkot at mawalan ng pag-asa. Ayoko din na makita niya akong umiiyak at wala ng lakas nang mga oras na iyon kaya sinarili ko ang sakit."
"Alam ko Jill, at alam kong ikaw iyon. Napanuod kita sa t.v no'ng mag perform ka na kahit man lang doon ay makita kita ng matagal. Kinailangan kong magpanggap na hindi kita kilala para patunayan sa asawa ko na kinalimutan ko na talaga kayong mga anak ko. Natakot ako na baka may gawin siya kapag nalaman niya na nasa Japan kayo, dahil kapag nagagalit siya ay walang sinasanto. Pagkakamali ko ang lahat anak, wala akong mukhang maiharap sa inyo ni Drake." umiiyak niyang wika.
"Bakit ngayon nandito ka? Paano kapag nalaman ng asawa mo po 'to?"
"Naaksidente siya at hindi na makalakad at nasa hospital pa din siya nagpapagaling. Iyong anak namin doon ay pinaalagaan ko sa kaibigan ko para maka-uwi rito."
"Ikaw tay, may sasabihin po ba kayo?"
"Jill, anak. Humihingi ako ng kapatawaran dahil hindi namin napagtibay ng nanay mo ang aming relasyon. Nagkamali din ako, nasaktan ako noon kaya naisip ko humanap na rin ng bagong asawa at baka maalagaan din kayo ngunit taliwas lahat nang nangyari dahil sa mga sulsol ng tita Leilanie mo. May sarili na din akong pamilya ngayon na hindi ko maaring iwanan para lang mabuo ulit tayo."
"Tay? Sa tingin mo ipapagawa ko sa iyo na iwanan mo ang pangalawang pamilya mo para lang mabuo tayo? Kahit Ano'ng gawin ko o nating lahat walang mabubuo dahil wasak naman na lahat tayo. Desisyon ninyo na iwanan kaming magkapatid at dahil nalungkot naghanap ng bagong pamilya? Ang hiling ko lang namin na sana nagpakilala kayo kay Drake na sana nakita man lang niya kayo bago siya nawala sa mundong ito!"
"Alam ko, anak patawarin mo sana ako." umiiyak din si tatay.
"Alam ninyo po kung ano ang pinakamasakit? Lahat nang mga pagkakamali ninyo na inihihingi ninyo ng tawad sa amin ay sana sa Panginoon muna. Hindi ko na makita kung ano bang bigat sa mga dahilan ninyo kasi ang malinaw lang pareho kayong nag-desisyon na umalis at iwan kami. Hindi ninyo alam kung gaano kahirap mabuhay sa puder ni tita Leilanie at kung gaano kahirap buhayin ang mga sarili namin na araw-araw ay nag-aalala ako sa kapatid ko na mayroon siyang buwanan checkup. Araw-araw nagdarasal ako na sana dagdagan ang buhay ni Drake dahil sobrang bait niyang bata. Kahit nahirapan kami ay hindi ko ipinakita sa kaniya o ipinadama na pagod na ako kasi makita ko lang siyang ngumiti at masaya nalulusaw sa tuwa ang puso ko. Simple lang sana ang hiling ko noon na sana makasama namin kayo o mabuo kahit kunwari lang kasi gusto kong makita mula kay Drake ang pangarap niya ay natupad. Pero imbis na mabuo nawasak ako, sobra po." halos hindi ko na kinaya ang pag-iyak ko'y hindi na napigilan.
"Anak..." sabay nilang sambit.
"Pasensya na po kayo kung bakit ganito ako. Hindi ko lang po talaga kayang ibigay agad-agad ang kapatawaran na hinihiling ninyo kasi sa ngayon pakiramdam ko nawawasak po ako na para bang hindi ko kayang buuin pa ang ako na ang tanging alam ko lang ay ang sakit na nararamdaman ko. Kahit gusto kong magpatawad ngayon hindi ko kayo mabigyan kasi nasasaktan ako ng sobra na kahit ano'ng gawin ko ito na po ako e. Ako na lang po ang bigyan ninyo ng oras at panahon para maghilom ang lahat nang sugat na kahit hindi ko alam kung paano pero sana ay malagpasan ko ito, tayong lahat." pareho silang naluha at hinawakan ang kamay ko.
Marahan akong tumayo at lumakad palayo kung nasa'n sila. Dala ko pa din ang bigat dito sa dibdib ko. Ganito pala kahirap humarap muli sa kanila, mahal ko sila pero hindi ko kayang pilitin ang sarili ko na magpatawad kaagad. Pero nagdarasal ako na sana'y dumating ang araw na iyon kasi pamilya ko pa rin sila at hindi ko itatangging mahal na mahal ko ang mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Isang Pangarap (Completed)
Teen Fiction"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo." Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...