"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Joao's POV
Dahan-dahan akong bumitaw sa kamay niya, nawawalan na ba ako ng pag-asa? Ayoko siyang sukuan pero bakit pinaparamdam niyang wala na talaga?
Itinapon na niya ang meron kami. Marahan akong tumalikod at lumabas ng dressing room, hindi ko na nakuha pang lumingon dahil ayokong makita niyang nasasaktan ako. Handa naman akong maghintay pero sana hindi ko na maramdaman kung gaano kasakit ang nakaraan.
FLASHBACK
"Chill lang Joao, darating 'yon saka pangarap niya 'to kaya wag kang mag panic diyan." nilingon ko lang si Russell sa sinabi niya.
Nanatili akong hindi mapakali dahil sampung minuto na lang ay aalis na ang bus.
"Guys, mauna na kayo kailangan kong puntahan si Jill." akmang aalis na ako nang bigla akong pinigilan ni Manager Rick.
"Joao, wala na tayong oras baka hindi natin abutan 'yung audition masasayang ang pagkakataon dahil minsan lang 'to mangyari."
"Pero Manager,"
"Kung darating si Jill sigurado akong darating siya pero wala pa din. Alam kong nag-aalala ka tsk. na tatawag siya." paniniguro ni Manager Rick, wala akong nagawa kun'di ang sumunod at sumakay ng bus kasama sila.
Abc-Xyz Bldg.
"Guys handa na ba kayo? Galingan niyo at tandaan laging may puso."
"Opo," sabay-sabay naming sagot ngunit ang utak ko ay na kay Jill pa din.
Muntikan na rin akong hindi sumali sa grupo dahil wala ako sa kondisyon mabuti na lang at nandito sila Russell para paalalahanan ako. Nang sumalang na kami ay buong puso namin inialay ang aming performance, hanggang sa makapasok kami sa top 20 finalists.
Isang buwan pa ang lumipas...
"Joao, halina at kumain ka na." aya ni Manang Mida, siya ang kasama ko rito dahil si Mommy ay madaming inaasikaso.
"Wala pa po akong gana." lumapit at tumabi si Manang Mida sa akin.
"Alam kong iniisip mo si Jill." lumagok muna ako ng tequila bago sumagot.
"Sa tingin niyo po iniwan na niya ako?" malungkot kong tanong habang tanaw ko ang kawalan.
"Kilala ko si Jill hindi siya ganoon, saksi ako sa pagmamahalan ninyong dalawa. Siguro ay may problema lang kaya hindi siya nakarating."
"Pero bakit hindi niya ako tinatawagan? Akala ko ba mahal niya ako? Pero bakit pakiramdam ko unti-unti na niya akong iiwanan." halos pumiyok ako sa pagsasalita.