"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chunkee's POV
Sa totoo lang naaawa ako sa kalagayan nila Jill at ng kapatid niyang si Drake. Kung pwede ko lang saluhin ang lahat ng pasakit at pananakit ng tiyahin niya sa kanya sinalo ko na, kaso kilala ko si Jill hindi siya 'yong tipo ng tao na basta na lang mandadamay ng iba.
Mas okay pa sa kanya na siya na lang mismo ang masaktan, grabe nga ang pagpoprotekta niya sa kanyang kapatid. Halos lahat ng kaya niya ginagawa niya at madalas walang tulog dahil pinagsasabay ang rocket at pag-aaral.
Oo tingining mahinhin pero sa loob niya isang matapang na Jill ang makikita mo. Siguro ay malaki ang inggit sa kanya ng tiyahin at pinsan niya, sa ganda ba naman ni Jill na artistahin at ang kutis nito ay makinis at maputi partida pa lagi siyang naka mahabang palda at ang busilak niyang puso.
Tapos kapag galing siyang school at may konting oras inilalaan niya talaga para kay Drake, tinuturuan niyang magsulat,magbasa,magbilang at mag Abakada kaya bilib ako sa kanya daig pa ang isang Ina.
Mayamaya pa ay habang wala ako sa wisyong nag-iisip biglang may yumugyog sa akin.
"Ate." si Drake, pagmulat ko itinuturo niya ang tv.
Paglingon ko naman sa tv tila dumikit na parang glue ang aking mga mata sa napapanuod.
Si Niel,Joao,Russell,Ford at Tony nag-pe-perform at masasabi kong sikat na sikat na sila sa bansa, siguro kung nakasama si Jill malamang sikat na din siya bilang vocalist nila kaso tadhana na din ang nagdikta kung bakit nawala pati pangarap niya at hindi ko siya masisisi dahil alam kong pinili niya ang dapat.
"Anak."
"Oh Ma?" biglang tumabi sa amin ni Drake si mama.
"Ay ang gwapo ni Niel oh, samantalang dati rati dito lang nakatambay ang mga 'yan. Oh ano anak nagsisisi ka na?"
"Huh? Bakit naman po ako magsisisi?" taka kong tanong.
"Dati halos araw-araw pumupunta rito si Niel para ligawan ka pero lagi mong ni-re-reject oh kita mo ngayon sikat at gwapo talaga siya." parang umurong ang dila ko sa sinabi ni mama.
Pero pinilit kong sumagot.
"Ma naman, bakit naman po ako magsisisi? Saka no'ng time na iyon hindi naman talaga ako handa and besides akala ko nagbibiro lang siya kasi hilig niya 'yon."
"99% ng biro ay totoo, 'yan ang lagi mong tatandaan."
"Naku Ma, parang hindi naman ako naniniwala diyan. Basta ang gusto ko lang maka graduate at magtrabaho para hindi ka na magtinda sa palengke at hindi na din mag karpintero si Papa.
"Anak alam mo namang 'yon lang ang kasiyahan ko at ganon din ang Papa mo."
"Ma, bakit ganon?" pag-iiba ko ng topic.
"Ang alin?"
"Paanong nagagawang tiisin ng magulang ang mga anak nito?" hindi na ako nag mention ng pangalan dahil nandito si Drake at alam kong gets ni Mama kung ano ang gusto kong iparating.