Chapter 27

101 10 1
                                    


Jill Amble's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Jill Amble's POV

Pagmulat ko ng aking mga mata ay ramdam ko ang matinding sakit ng ulo ko na tila binibiyak sa dalawa. Pakiramdam ko isang taon bago ako nagising. Pero ang iniisip ko talaga ay ang panaginip na parang totoo.

"Hinalikan niya ako?" Sabay hawak sa aking labi.

Pumikit ako ng mariin upang alalahanin kung ano ang nangyari kasi hindi ako makapaniwala kung isang panaginip lamang iyon. Tsk. Ang labo naman!

Hindi pa ako tuluyang bumabangon ng may sunod-sunod na katok sa pintuan. Marahan akong bumaba ng kama saka daling binuksan ang 'yon.

"Jill, sino ang naghatid sa 'yo rito kagabi?" naghihikab na tanong ni Chunkee na dumiretso sa kama at humiga at mukhang nais pang umidlip.

"Kagabi? Wala akong maalala." lumundo ng bahagya ang kama sa pagkakaupo ko.

"Alam mo bang lasing ka? At sa sobrang kalasingan mo nasabi mo sa kanilang lahat ang dahilan kung bakit hindi ka sumipot noon." bulalas niya, napaawang ang aking labi sa sinabi ni Chunkee.

"A-----Ano? Paano?" halos hindi ako makapaniwala.

"Hayaan mo na at least ngayon matatauhan na 'yang si Joao!"

"Bakit naman Chunkee?"

"Hindi ako bulag at lalong hindi ako manhid Jill! Nakita ko kung paano ka nasaktan at nasasaktan pa rin!" nagulat ako sa bigla niyang pagbangon.

"Masaya na siya kay Yen kaya dapat mag-move on na lang ako." malungkot akong tumingin sa kanyang mga mata.

"Jill, tama na ang pagpapanggap mo hayaan mong dumaloy ang sakit hanggang sa tuluyang mawala 'yan tapos mag-umpisa ka, na alam mo sa 'yong sarili na hindi na masakit at ayos ka na. Pero sa ngayon iiyak mo lang lahat."

"Chunks, ayokong pagdusahin ang sarili ko. Nandito ako ngayon para makita si Nanay at tuparin ang pangarap ko kasama kayo ni Drake."

"Huwag kang magmatibay kung alam mong marupok ka!" dama ko ang pinaghalong galit at pag-aalala sa boses niya pero nginitian ko na lang siya ng mapakla saka tumalikod papuntang Cr. Kahit hindi ko siya nilingon alam kong malungkot ang tingin niya.


**

Nagdaan pa ang tatlong araw...

Kahit ako ay nagugulat sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon lalo na sa aking career na talaga namang hindi ko inakala. May mga producers dito sa Japan na kaliwa't kanan ang offer na trabaho sa 'kin kaya naman nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko. Sa wakas maiipagamot ko na ng diretso si Drake at makikita ko na si Nanay.

"Congrats ate Jill!" biglang yakap ni Niel sa 'kin.

"Oh, tabi tsk. mukhang may pagnanasa na 'yang pagyakap mo kay Jill!" natatawang suway ni Russell kay Niel.

"Ay iba din, sandali nga." humarang si Tony at inunahan si Russell na yakapin ako kaya naman nakatikim siya ng batok kaya lahat kami ay natawa.

"Congrats Jill." habol ni Ford na humalik pa sa noo ko.

"Hep! Hep! Ganado kang masyado Ford." tutol nila.

"Ay sorry nadala lang ako." sabay tawa ni Ford.

Napansin kong palapit sana si Joao ngunit biglang dumating si Yen na humalik agad rito kaya ibinaling ko ang tingin ko kela Chunkee. Mayamaya pa ay biglang may humalik sa aking pisngi na ikinagulat ko kahit silang lahat.

"Congratulations Jill, I'm so proud of you." nakangiting bati ni Kier, saka inabot ang isang pumpon na bulaklak na kulay light blue. Ang ganda niyon ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase.

"Thank you." sabi ko na lang saka ngumiti at sigurado akong walang peke sa ginawa kong pag-ngiti.



**

Joao's POV

I was standing in front of them nang masaksihan ko ang halik na ginawa ni Kier kay Jill. Maaring isang simpleng halik lamang iyon ngunit pakiramdam ko ay nailamukos ang puso ko.

"Okay ka lang ba?" untag ni Yen.

"Hah? Oo. Oo naman." tipid kong sagot.

"Kanina ka pa wala sa sarili mo."

"Hindi naman, pagod lang talaga."

"Bukas na ang flight natin pauwi ng Pilipinas, paano nga pala si Drake kung maiiwanan muna rito sina Manager Rick at Jill?"

"Ako na ang bahala kay Drake saka nandyan naman si Chunkee kapag wala siyang pasok."

"Kay Step? Hindi ba pinsan niya 'yon? O kaya kay tita Leilanie?"

"Yen, mawalan na ako ng career ngayon na! Huwag lang nila mahawakan si Drake!" natahimik siya sandali sa sinabi ko.

"Ganoon ba? Baka makatulong ako?"

"Hindi na siguro Yen, ayokong mag-isip si Drake baka mamaya magtanong kung bakit parati tayong magkasama."

"Bakit ba kailangan natin itago ang relasyon nating dalawa sa kapatid ni Jill at kinailangan niyo pang magpanggap na kayo sa harapan niya kahit hindi naman!"

"Sana una pa lang naiintindihan mo na Yen, pasensya na pero hindi ko kayang balewalain si Drake."

"Paano kung papiliin kita ngayon!?" bigla siyang tumayo at medyo mataas ang tono ng kanyang pananalita.

"Yen, please pati ba naman bata pagseselosan mo?"

"Kasi kapatid siya ni Jill!" sigaw niya.

"Ganyan ka ba kababaw Yen?" natahimik siya.

"Sorry, natatakot lang ako."

"Bakit?" kumalma ako ng makita ko siyang biglang nalungkot.

"Baka hindi ko siya kayang palitan dyan sa puso mo."

"Hindi mo naman kailangang makipag compete dahil ikaw na ang girlfriend ko ngayon." sabi ko na lang para matahimik na rin ang kanyang kalooban.

Marahan siyang yumakap sa 'kin at ginantihan ko din 'yon.

"Mahal kita, sobra." bulong niya, pakiwari ko ay may nakaharang sa lalamunan ko kung bakit ayaw lumabas ang sana ay sasabihin ko. Hinalikan ko na lang siya sa buhok niya na nagsilbing aking tugon.

Sa totoo lang magulo ang lahat sa akin. Ayoko na sanang makasakit pero andito na 'to at hindi na ako pwedeng umatras pa, kailangan kong panindigan ang kagaguhang kong 'to!

Hanggang ngayon sariwa pa din sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Jill, na tabi, magkayakap at nahalikan ko siya na ayon sa gusto namin pareho kahit alam kong lasing siya ipinadama niya ang pagmamahal sa pamamagitan ng kanyang halik at yakap.

Kung hindi man dumating ang araw na bumalik siya sa akin, kailanman ay hindi mabubura sa ala-ala ko na minsan sa buong buhay ko ay nagkaroon ako nang isang tulad niya. Marahil ay hanggang dito na lang ngunit sa puso ko ay mananatili siyang nakaukit.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon