Chapter 20

104 12 0
                                    


Russell's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Russell's POV

Halos lahat ay busy sa kanya-kanya nilang gawain, kami naman abala sa tinatapos naming music video at sa upcoming show namin sa Japan. Sigurado akong matutuwa si Jill kapag nalaman niyang tuloy na tuloy na ito. Magulo man, kung ano ang tunay sa likod ng nakaraan nila Joao nakasuporta pa rin kami bilang mga kaibigan niya.

"Oy, ano ang iniisip mo?" untag ni Ford.

"Kung paano natin matutulungan si Jill para magkita sila ng nanay niya."

"Madali lang 'yon, pupunta tayo ng Japan 'di ba? Sigurado akong kasama siya."

"Madali lang iyon Ford, ang tanong paano sila magkikita? Ano kaya ang pwedeng mangyari kung sakali?"

"Mahirap manghula, hintayin na lang natin." sabay kaming napabuntong-hininga at ibinagsak ang kapwa balikat.


Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pintuan.

"Hi." masayang bati niya.

"Teka, ikaw si Raine 'di ba? Isa sa APGirls?" gulat na tanong ni Niel.

"Hmm ang cute mo talaga." biglang namula si Niel, kita ko naman ang pag-irap ni Chunkee. "Hi, Ford gusto ko lang sana ibigay 'to sa 'yo." sabay abot niya ng brownies at mukhang home made ang cute kasi, hindi naman maipinta ang mukha ni Ford kung tatanggapin ba niya o ano.

"Bakit ka nga pala andito?" maayos namang kinuha ni Ford ang isang box na brownies.

"Gusto ko lang talaga 'tong ibigay sa 'yo." nag b-blush ang mukha ni Raine.

"Torpe king, iba ka!" sabat ni Tony saka umakbay kay Ford.

"Sira ulo." sabay suntok ng mahina kay Tony. "May sasabihin ka pa ba?" tanong ulit ni Ford pero hindi siya makatingin ng diretso.

"May dinner kasi sa bahay gusto rin kitang invite kung okay lang sana sa 'yo." nakangiti niyang wika.

"Para saan?" mukhang asar na si Ford kaya umeksena na ako.

"Hi, Raine. Pupunta si Ford mamaya medyo busy lang kami ngayon pero pupunta siya." inirapan pa ako ng Ford.

"Naku, salamat hah Russell. Hihintayin kita Ford sa ground floor hah." masayang lumabas ng dressing room si Raine pero si Ford parang wala lang sa kanya na ibinagsak ang isang box sa table malapit kay Joao.


"Sa wakas! Oh pa'no ba iyan Torpe king no more na ba?" pang-aasr ni Tony kay Ford.

"Ford, akin na lang 'tong brownies." pagdaka ay kinuha iyon ni Joao.

"Hep! Kanino mo ibibigay 'yan?" pigil ni Niel.

"Kay Yen." lahat kami napalingon kay Jill na tila walang narinig.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon