Chunkee's POV"Hoy bumangon ka na riyan Jill, ikaw itong ikakasal tapos ayaw mo pa tumayo! Hala sige maligo ka na!" tila wala siya sa wisyo na bumangon.
"Grabe ka naman! Nanay ba kita? Ikaw na nga lang magpakasal kay Joao tapos matutulog ako ulit." pabiro niyang wika pero inaantok pa ang boses niya.
"Ay ganon ah." hinabol ko siya at tila nagising sa ginawa kong pagkiliti.
"Oo na maliligo na ako, tama na." saka siya tumawa. "Ang aga pa kasi 5:30 am pa lang." angal niya.
"Alam mo ikaw lang ang nag-iisang bride to be na tinatamad sa araw ng mismong kasal."
"Hindi ako tinatamad, talagang inaantok pa ako dahil ang aga mo manggising dyan."
"Oh, maligo na para matanggal antok mo para maaga ka maka-prepare."
Mayamaya may tumatawag na at agad ko itong sinagot.
"Hello? Oh Niel?"
"Good morning baby." tapos napa ngiti ako.
"Kaya naman pala maaga kang gumising, biglang nagsalita si Jill hindi ko namalayan."
"Oy Jill maligo ka na." sigaw ko tapos tumatawa siya.
"Oh, sige na mamaya na lang. I love you." pabulong ko sa phone.
"I love you more." Iyon lang at ibinaba ko na.
Minsan kahit ang corny na namin kinkilig pa rin ako.
**
Ilang oras pa ay sabay na kaming inayusan ni Jill.
"Jill, masaya ako para sa 'yo." tapos hinawakan ko ang kamay niya.
"Mas masaya ako para sa'yo Chunkee, kasi sa wakas may lovelife ka na." sabay tawa. "Pero seryoso Chunks maraming salamat kasi simula't hanggang ngayon nandito ka pa rin."
"Syempre hindi mo lang ako basta kaibigan 'no magkapatid kaya tayo." sabay kaming ngumiti.
Knock.Knock
Sabay-sabay kaming lumingon dahil may dumating. Ipinadala ni Joao na gift at sulat kay Jill at agad itong iniabot sa kaniya.
Malaki ang ang ngiti ni Jill habang binubuksan iyon. At pag bukas niya ay isang kuwintas na manipis at ang pendant ay "Dreamer" maliit at manipis ngunit mababasa. Para kasi sa kanila mahalaga ang pangarap ganon din kami pero iba sila.
"Jill, baka mapunit labi mo sa sobrang ngiti ah." tukso ko.
"Ang saya lang ng puso ko Chunkee, hindi ko maipaliwanag." bigla akong natuwa sa sinabi niya kasi pagkatapos nang sakit at hinagpis heto at masaya na siyang muli.
BINABASA MO ANG
Isang Pangarap (Completed)
Teen Fiction"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo." Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...