"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jill Amble Gutierrez's POV
"Good morning." bati ko sa asawa ko na nakayakap sa akin habang parehong nakatakip ng kumot ang aming mga katawan.
"Good morning my angel." saka niya idinampi ang malambot niyang labi sa labi ko.
"Bangon na tayo?" aya ko ngunit pumikit siya ulit at yumakap ng mahigpit.
"Mr. Gutierrez!" nakapikit siya habang naka ngiti.
"Please, 5 more minutes pa my angel." ang gwapo niya.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari na kasal na kami ni Joao at heto katabi ko na siya at bubuo ng pamilya. Sobrang blessed ako.
Mayamaya pa ay biglang tumunog ang aking cellphone. Bahagya akong bumitaw kay Joao saka iyon sinagot.
"Hello?"
"Jill!" hiyaw ni Chunkee sa kabilang linya.
"Ano ka ba Chunkee, bakit ka humihiyaw?"
"Ano? Kumusta ang first night?" pilya niyang tanong kaya muntikan na akong masamid.
"Chunkee!"
"Hindi biro lang. Mamaya magkita-kita daw tayo sa Tukban. Bye enjoy!" at ibinaba na niya. Loka talaga si Chunkee. Natawa na lang talaga ako.
"Ano daw 'yon?" tanong ni Joao na inaamoy-amoy pa ang leeg ko at hindi ko maiwasang makiliti.
"Wait... Mr.!" he laugh. "Mamaya daw magkita-kita sa Tukban." wika ko.
"My angel, mamaya pa naman 'yon halika muna rito." itinalukbong niya ang kumot sa amin dalawa saka naganap ang second love making.
"Joao!"
"Hmm? My angel?"
________
Tukban...
Dumaan muna kami ni Joao sa puntod ni Drake at nag tulos ng kandila saka naglagay ng bulaklak.
"Drake, I missed you so much." umupo ako sa tabi ng puntod niya.
"Jill, sigurado akong binabantayan ka niya kahit nasa'n ka man." tumabi naman si Joao sa akin.
"Alam ko, sobrang miss ko lang talaga siya."
"Miss ka din niya sobra." ngumiti ako kay Joao. Tumayo siya at inilahad ang palad nito at inalalayan akong tumayo. "Tara na?" masaya akong tumango saka tuluyang umalis na palayo sa puntod ni Drake.
Pagbaba namin ng sasakyan ay lahat sila nandito na parang kami na lang ang hinihintay. Sila Manager Rick, Chunkee, Niel, Tony, Russell, Ford at Raine.
Lahat sila ay yumakap sa akin at ganon din kay Joao.
"Kumusta naman ang unang gabi?" pilyong wika ni Tony, mahina siyang siniko ni Joao sa tiyan kaya natawa kaming lahat.
"Inggit na naman si kuya Tony." pang-aasar ni Niel.
"Kapag ako kinasal who you kayong lahat." he laugh.
"Girlfriend muna kasi bago kasal." sabat ni Ford.
"Hoy mr. torpe king no more naks naman. Oh sige ikaw na ang may girlfriend." sagot naman ni Tony tapos yumakap si Ford sa kanya.
"Ako na lang, tayo na lang papa Tony." pagbibiro ni Ford.
"Gago! Kadiri ka bro!" halos walang paglagyan ang kaligayahan nila, actually lahat kami na nandirito.
Sandali kaming natahimik, kinuha ko ang pagkakataon upang magsalita.
"Guys naaalala niyo pa ba noon na dito tayo nagpupunta lagi kapag may practice ng tugtog? Dito din tayo sabay-sabay nangarap na sana makilala at sumikat ang banda natin? Ang sarap balikan." itong lugar kung saan ang tawag namin ay Tukban na napapaligiran ng ilog at maraming puno.
"Oo, dito nabuo ang lahat nang pangarap natin. Hindi ako makapaniwala na ang layo na ng narating ng isang simpleng pangarap natin lahat." dagdag pa ni Russell.
"Nakakatuwa at ang sarap sa pakiramdam na bumalik tayong lahat rito dahil natupad ang lahat nang iyon. Hindi ako nagsisisi na nabuo ang grupo ninyo at para sa akin kayo na ang pamilya at buhay ko." mangiyak-iyak na wika ni Manager Rick.
Niyakap namin si Manager Rick. "Mahal ka namin." sabay-sabay naming sambit.
"I'm so proud of you guys na nakamit ninyo ang lahat nang pangarap na iyon." masayang wika ni Raine.
"Raine, part ka na ng family namin." wika ko.
"Thank you Jill." at ngumiti ako sa kanya.
"Oh, e paano ang saling pusa natin na si Chunkee?" natatawang wika ni Tony.
"Oy grabe ka sa 'kin, syempre taga suporta ninyo ako mula noon at hanggang ngayon." saad ni Chunkee.
"At ngayon ay isa na rin sikat at nabibilang sa APGIRLS 'diba? Proud din kami sa 'yo Chunkee." wika ni Russell.
"Thank you kuya. Salamat sa inyong lahat hah." lahat kami ay nag group hug at masayang pinagsaluhan ang pagkain dala ng bawat isa.
Ang sarap sa pakiramdam ang gaan at saya.
Niyakap ako ni Joao mula sa aking likuran. "I love you, my angel."
"I love you too." naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.
Lahat kami ay humarap sa ilog at naghawak-hawak kamay saka pumikit at nagpasalamat sa poong maykapal.
Hindi ko akalain na makakabalik kaming muli rito hindi lang buo kun'di may bago pang kapamilya. Kahit kailan hindi ako nawalan ng pag-asa para sa aming lahat.
Walang pwedeng papalit sa kanilang lahat dito sa puso ko. Mahal na mahal ko silang lahat.
Alam ko na marami pa kaming pagdadaanan at nakahanda ako sa mga darating na pagsubok mahirap man o mas mahirap ay sisiguraduhin namin na kaya naming harapin 'yon ng walang takot.
Ngayon ay hindi ko maitatanggi na mas tumapang na akong harapin ang lahat. Mas pinagtibay ako ng panahon at thankful dahil sa mga taong ito lalo na kay Joao na siyang naging sandigan ko sa lahat ng pagsubok at maging sa kasiyahan siya ang kasalo ko.
May mga tao din na nagpahirap sa akin noon, nagpatawad ako sa paraang alam ko. Ayoko ng magtanim na kahit ano pang sama ng loob o pasakit sa puso ko. Alam ng Diyos kung ano ang nararamdaman ko. Malaya ko na silang pinatawad.
At ngayon ko napagtanto na hindi ko kailangan pumili. Ang pangarap ko, lalaking minamahal o ang pamilya ko. Dahil lahat nang iyon ay iisa lamang. Isang Pangarap na binuo ko noon kasama ang lungkot at pighati ngunit ngayon iyon pala ay isang habang buhay na kaligayahan.
Isang pangarap na nagsilbing daan upang makita at malasap ang sakit at saya. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat at maliwanag na sa akin. Lahat sila ay parte nang aking buhay. Nakaraan man o sa hinaharap.
Habang buhay kong ipagpapasalamat ang lahat nang ito sa itaas.