Chapter 10

115 15 0
                                    


Now playing: Hanggang kailan by: Michael Pangilinan

(c) ABS-CBN Starmusic
Via youtube

(c) ABS-CBN StarmusicVia youtube

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Joao's POV

Buong akala ko hindi na muling mangyayari 'to, nang makita ko si Drake na biglang tinawag akong kuya talaga namang niyakap ko siya ng mahigpit at tila nagwawala ang puso ko no'ng mga oras na 'yon dahil alam kong kasama niya si Jill.

Hindi ko maitatago sa sarili ko ang tuwa nang makita ko siya ulit, mukha siyang anghel at mas lalong gumanda hindi ko maipaliwanag ang saya ng pakiramdam ko kahit hindi ko talaga ipinakita kung ano talaga ang nararamdaman ko kanina.

Ganoon pa din siya, mabait, matulungin at mapagmahal. Gusto ko siyang yakapin at sabihing miss na miss siya pero sa tingin ko ay may nagbago na talaga.

"Hoy! Joao!" tawag ni Russell.

"Oh?"

"Nagkausap na ba kayo ni Jill?" sabay-sabay nilang tanong.

"Mga tsismoso kayo 'no?" kumuha ako ng tubig sa ref. saka dumiretso ng balcony.

"Yieeeh, inaabangan niyang lumabas si ate Jill." pang-aasar ni Niel.

"Hindi ahh." maang ko.

"Dos pa din kaya ang yelo sa Sisi Province?" tanong ni Niel sa sarili.

"Hahaha! Ang layo ng narating ng isip mo Niel ahh swabe haha" walang tigil kakatawa sina Ford at Tony, nagkamot ng ulo niya si Niel.

"Kamusta si Chunkee?" pag-iiba ko ng usapan.

"Peppa pig pre haha pero wala eh maganda pa din kainis!" sabay palatak niya.

"In love ka nanaman?"

"Hindi 'no, may bago na ako saka ang daming magagandang artista diyan."

"Hooooh! Don't us!" sabay-sabay naming sambit.

"Ano ba? Matutulog na ako may rehearsal pa bukas. Kainis!" saka dumiretso ng kwarto.

"Iba talaga ang kagandahan ni Jill, nakita mo ba? Grabe laglag panga ko!" kwento ni Tony na kunwari ay hindi ko na lang narinig.

"Pinagnanasaan mo nanaman si Jill, liligawan ko 'yon!" wika ni Ford, ibig kong ihagis ang isang baso ng tubig na dala ko. Nakita kong nakatingin si Russell sa akin at tila naiintindihan kung ano ang gusto kong iparating.

"Tony, Ford magsitulog na rin kayo. Iba si Jill sa lahat ng babae diyan kaya tantanan niyo na!" suway ni Russell.

"Eh wala naman na sila ni Joao kaya ayos lang siguro kung dumiskarte." katwiran ni Ford.

"Ikaw talaga? Ang torpe King didiskartehan si Jill? Baka magunaw mundo." natatawang wika ni Tony, napapailing naman si Russell at ako ay tahimik na nakikinig sa kanila.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon