Chapter 5

136 15 0
                                    

Passenger Seat by: Stephen Speaks(c) Kathy LeenVia Youtube

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Passenger Seat by: Stephen Speaks
(c) Kathy Leen
Via Youtube

A/N: Congratulations Niel,Russell,Joao,Ford and Tristan sa PBS. Pero guys hindi ko pa rin babaguhin na part si Tony sa top 5 ko rito sa storya.




Niel's POV

Minsan talaga gusto kong umuwi at sugurin si ate Jill para lang malaman kung bakit hindi siya naka sipot no'n sa usapan, pero sa tingin ko wala akong karapatan para gawin 'yon. Dahil parating pinapaalala ni kuya Russell sa amin na baka may dahilan.

Nanghihinayang lang kasi kami dahil sana natupad na rin niya ang pangarap niyang maging vocalist sa bandang binuo namin at nagpapasalamat kasi ako sa kanya dahil siya ang bumuo ng pangarap na 'to pero siya 'tong wala hay.

"Hoy!" sabay akbay ni kuya Ford. "Na-mi-miss mo si Chunkee?" pang-aasar niya.

"Hindi ahh, dalawang taon na ang lumipas, kakasimula pa lang ng bagong taon."

"Nge, ano'ng connect?" takang tanong niya. "Bakit ayaw mo na ba kay Chunkee?"

"Hindi naman sa ayaw, gusto ko lang mag focus sa carreer natin saka masyado pa kaming bata noon."


"Bakit? Eh bata ka pa din naman hanggang ngayon ah, may pinagbago ba?"

"Hehe utot mo kuya Ford!"

"Mabango?"

"Tsk. Na-mi-miss ko lang kasi si ate Jill saka 'yong kapatid niyang si Drake hay." tumabi naman si kuya Ford at nagulat ako dahil bigla niyang binuklat ang wallet niya.

"Tingnan mo 'to." pinakita niya ang lumang litrato namin sa Tukban buo kaming lahat nila Joao,Russell,Ford,Tony saka si ate Jill.

Bumuntong-hininga ako at pinagkatitigan ko pa talaga ang lumang litrato. "Ang ganda ni ate Jill 'no?"

"Oo, mukhang anghel. Kung hindi lang ako torpe noon hindi ako papayag na maging sila ni Joao noon."

"Bitter? Nakita naman natin kung gaano nila ka-mahal ang isa't isa." umiling-iling lang siya.

"Kapag nakita ko si Jill ulit, liligawan ko talaga siya." desidido niyang wika.

"Hindi naman sila naghiwalay diba?"

"Oo nga, pero wala naman na silang communication simula nang hindi sumipot si Jill noon."

"Kuya Ford, parang magkakapatid na tayo rito. Ayoko naman na magkasamaan kayo ng loob dahil kay ate Jill."

"Alam mo Niel ikaw na nga ang may sabi dalawang taon na ang nakalipas, at saka hindi mo ba alam na nambababae na lang si Joao ngayon?"

"Ewan ko basta pakiramdam ko gulo 'yan." sabay kamot sa ulo ko.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon