Chapter 32

70 5 0
                                    



  Joao's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



  Joao's POV

Pinakamasayang pangyayari sa buhay ko ay walang iba kun'di si Jill! I can't believe na pwede pa pala, at this time kailangan kong gawin ang tama. Kakausapin ko si Yen para maliwanagan na siya na hindi kami para sa isa't isa.



Akmang sasakay na ako sa aking sasakyan ay biglang tumunog ang cellphone ko, dali ko itong tiningnan dahil baka si Jill iyon. Tatlong beses akong kumurap dahil sa isang video. "Y- - -Yen?" tinitigan kong mabuti, unknown ang nag-send.

Isang video na kitang-kita ang pang re-rape kay Yen, at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kamukha ni K- - - Kier?

Hindi na ako nag-isip at sinadya ko na si Yen sa tinitirahan niya.





Maayos akong nakarating ngunit ang isip ko ay nasa kanya at kay Kier.

Bukas ang pintuan kaya dumiretso ako sa kaniyang silid. "Yen!" paghiyaw ko ay agad ko siyang nakitang umiiyak sa gilid ng kama niya na para bang takot na takot kaya naman nilapitan ko siya kaagad upang yakapin.

"G- - -Gusto ko ng mamatay!" sambit niya habang walang tigil sa pag-iyak.

"Yen, calm down nandito na ako." kinuhanan ko siya ng tubig para kumalma.





Ilang minuto pa at medyo ayos na siya kaya naman nakakuha ako ng chance para magtanong. "Yen, kailan nangyari pang re-rape na iyon?" seryoso kong tanong, ngunit siya tulala.

"Collage, p- - -pinilit niya ako hanggang sa nangyari ang gusto niya. Muntikan na akong magpakamatay noon, may nag-send niyan sa akin ngayon lang. Hindi ko pa din makalimutan Joao, at pakiramdam ko nanumbalik ang lahat nang sakit, Kung paano ako tingnan ng mga tao at ang kawalan ng hustisya para sa aking sarili."

"Bakit hindi mo sinabi?"

"A- - -Akala ko limot ko na at saka ayokong malaman mo iyon dahil hiyang-hiya ako para sa sarili ko.

"Pero may laban ka dahil ikaw ang biktima!" umiyak lang siya ulit saka yumakap sa akin.

"Huwag mo akong iiwan Joao, natatakot ako pakiusap." sa mga katagang iyon ay biglang nag rehistro ang pangalan ni Jill sa isipan ko, bigla akong nanlumo na tila hindi na kami magiging masaya pa.

Pero kailangan ko din siyang makausap upang bigyan ng warning tungkol kay Kier.

"H- - - Hindi kita iiwan." tanging sambit ko na wala sa sarili.





**
Chunkee's POV

Nagulat kami ni Drake sa pagdating ni Jill at talaga namang napatalon sa tuwa ang bata kaya masaya ako kasi magkakasama na ulit sila.

"Kilala ko ang ngiting 'yan Jill." nakatuon kasi siya sa kanyang cellphone.

"Wala Chunkee, ito naman oh." she laugh, pero ganoon pa din mahinhin basta walang pinagbago except lang na sumobra siya ng ganda, ewan kahit ako inggit char!

Sinubukan kong tingnan kasi hinablot ko ang cellphone niya. Napawi ang ngiti sa aking labi sa nakita ko. "Jill," malungkot kong sambit.

"Okay lang ako Chunkee." akala ko may ka-text siya na nakikipag-palitan ng sweet messages sa kanya mali pala ako dahil peke ang ngiti niyang iyon.

"Kailan kayo nagkita ni Joao? Hindi ba't wala na kayo? Akala pa naman parang may pag-asa kayo ni Kier." nagbuntong-hininga siya.

"I was wrong, akala ko maiibalik ko na ang dati kapag sinunod ko ang nararamdaman ko pero hindi e. Mahal na mahal ko si Joao, naisip ko pa na baka pwedeng ako kapag wala si Yen." biglang tumulo ang luha niya ngunit pinahid niya iyon agad.

"Jill, hindi ikaw 'yan. Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo? No'ng nasa Japan ka pagkakataon mo na para mag move-on pero ano ang nangyari?"

"Akala ko din Chunkee pero hindi ko talaga kaya, at mas lalong hindi ko na kayang magmahal pa ng iba. Nalulungkot ako Chunkee sa kabila ng pagtupad nang aking mga pangarap, ayoko nito." lumapit ako sa kanya at marahang niyakap dahil naiintindihan ko siya.

"Jill pag-aralan mong tanggapin ang mga bagay na nakasakit sa iyo para matutunan mong mag let go."

"Ang saya namin kahapon na walang iniisip kung may masasaktan pero heto ang text niya "Sorry." Ang tanga ko Chunkee."

"No, you're not. Sinunod mo lang kung ano ang sinasabi ng puso mo at hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo. Sana may tama akong kayang I-advice sa 'yo pero alam ko na ikaw lang din mismo ang makakatulong sa sarili mong nararamdaman, nandito kami nila Drake oh." bigla siyang ngumiti na may kasabay na luha.

"Mabuti na lang at nadyan kayo ni Drake, salamat. Alam mo ba na paulit-ulit kong sinasabi na ay baka dapat move on na kasi tapos na at may closure na tumigil na ako pero sobrang tigas ng puso ko kasi mahal na mahal na mahal ko si Joao pero ngayon susubukan ko sa abot ng aking makakaya."

"Huwag mong pilitin Jill, dahan-dahan lang."

"Nasabi ko na ba sa 'yo na nakita ko si nanay?"

"Talaga? Oh e ano ang nangyari? Hinanap ba niya si Drake?" sobrang excited ako dahil isa sa mga pangarap ni Jill ang makita muli ang nanay nila, ngunit umiling siya.

"Masaya na siya sa pamilya niya at hindi daw niya ako kilala. Talaga pa lang ganoon 'no? Hindi naman ako masamang tao Chunkee ang nais ko lang ay makasama nag mga taong mahal ko, si nanay, Joao, Drake at pati kayo pero bakit parating ipinagkakait sa akin iyon? Lubos ba akong magmahal o kulang pa? Kasi kahit ano ay gagawin ko para mabuo lang pamilya ko pero bakit wala akong makitang paraan? Bakit kailangan ako ang iniiwanan? Ang dami kong katanungan pero wala e, walang sagot. Habang inaabot ko ang mga pangarap ko isa-isa silang nawawala sa buhay ko, pero ang hindi ko kakayanin kapag kayo o si Drake ang umiwan sa akin dahil hindi lang ako mababaliw baka ikamatay ko na."

"Ssshhhh, Jill wag ka naman magsalita ng ganyan. Alam ko at naniniwala ako na mapapawi ang lahat nang sakit diyan sa puso mo, hindi man ngayon pero darating iyon basta kumapit ka lang dahil mahal ka namin." tapos niyakap niya ako habang patuloy sa paghikbi.

Ito lang ang kaya kong gawin para sa kaniya dahil lahat nang saya na nawala noon ay hindi ko kayang ibalik. Sana dumating ang araw na maghilom ang mga sugat at mapalitan ng kasiyahan iyon para manumbalik ang totoong ngiti sa labi niya.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon