Chapter 19:

105 10 5
                                    




Np: Isang araw by: Kaye Cal

(c) mj villas
Via Youtube

(c) mj villas Via Youtube

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Step's POV

Habang nag re-ready na ako para sa shooting ng music video kasama ang grupo ng One Dream at kaming APGirls ay hindi ko maiwasang hindi mapalingon kay Yen na masayang nakikipag-usap kay Joao. Ang ipinagtataka ko lang paano sila naging close? Samantalang noon halos tumulo ang laway niya kapag nasisilayan si Joao.

Hindi ako papayag na maunahan ni Yen sa puso ni Joao!

"Salamat hah." sweet na wika ni Yen kay Joao habang masaya silang nag-uusap, hindi ko masyadong marinig dahil sa nag bblower ng buhok ko. Iba din ang ngiti ni Joao parang nagkakaigihan na sila, ano'ng nangyari kay Jill? Mabuti naman at nakalimutan na niya ang mukhang pulubi na iyon kaso may pumalit naman.

Paano ko makukuha ang loob ni Joao? Hindi ako papayag na hanggang dito lang ang lahat nang pinaghirapan ko mapalapit lang sa kanya.

"Ms. Step, si Tony po ang partner ninyo." sabi ng isa sa staff.

"Teka, bakit kailan lang ang sabi si Joao raw ang partner ko?"

"Hindi po, si Ms. Yen po talaga ng partner niya kasi pareho silang mas sikat at may mga fans talaga na gustong-gusto ang tandem nila." paliwanag pa nito, nakagat ko ang labi ko sa inis.

Ngayon hindi ko na ipipilit ang sarili ko kay Yen na bumalik sa dati ang pagkakaibigan namin. Ginusto niya 'tong laro kaya hindi ako papatalo!






Ilang oras pa ay natapos na ang part ko sa music video.


"Yen." tawag ko tapos humarap siya.

"Why?" taas kilay niyang tanong.

"Kayo na ba?"

"Ni?" kunot noo niyang tanong.

"Joao."

"Nope, pero darating rin kami do'n." biglang nagliwanag ang mukha niya.

"Kier is here." pagbanggit ko ay biglang lumukot ang mukha niya.

"Alam ko Step, ano bang gusto mong iparating?"

"Wala naman, hindi mo ba naaalala ang nakaraan?"

"Shut up!" ngumisi ako. "Alam mo Step, kaya wala ni isa ang gustong kumaibigan sa 'yo dahil dyan sa ugali mong peke!" bakit kapag galing sa kanya, ang sakit?

"Mag-iingat ka Yen kay Joao dahil maaaring ginagamit ka lang niya upang pagselosin si Jill, alam naman natin kung sino talaga ang mahal niya."

"Ano bang gusto mong palabasin? Matagal na silang wala at hindi gagawin sa akin iyon ni Joao! Naiinggit ka ba dahil hindi ka man lang niya mapansin?" parang kumulo bigla ng dugo ko sa sinabi niya.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon