Chapter 34

66 5 0
                                    

Jill Amble's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Jill Amble's POV

Inihanda ko ang aking sarili para sa isang guesting ngayon kahit na iniisip ko ang huling text ni Joao. Hindi naman ako nagsisisi na muli ko siyang nayakap kahit alam kong mali ako sa part na iyon. "Tsk. baliw na nga ako." pagsambit ko no'n ay hindi ko inasahan ang isang lalaki na humablot sa akin.

"Ahh!" ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata dahil natatakot akong makita kung sino ang nagtakip ng aking bibig papasok sa isang silid, nilakasan ko ang aking loob ngunit nanlalambot ang aking mga tuhod. Alam ko na nasa panganib ako at pinipilit kong isipin na matapang ako.

Pagdilat ko nakita ko itong lalaki na matangkad, maputi na nanlilisik ang mga mata, mabilis niyang naitali ang aking mga kamay, nanlalamig ako at pakiwari ko ay tutumba ako sa sobrang kaba at takot.

Humakbang siya palapit sa akin, ako naman ay pilit umaatras hanggang sa naabot ko ang pader at siguradong wala na akong takas. "S- - - Sino ka?" halos hindi ko mabanggit ang katanungan na iyon, ngumisi siya at hinaplos ang balat ko sa gawing braso kaya halos tumindig ang mga balahibo ko sa takot.

Nandito lang kami sa building ng ABC-XYZ at itong silid na ito ay mukhang inabando na at walang nakakaalam. Sinusubukan kong maging matapang at malakas pero ako'y nanghihina sa aking nararamdaman.

Muling lumapit ang lalaki saka hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. "Huwag!" pagsigaw ko ay sabay bagsak ng aking luha at nanginginig ang labi ko. Hiniltak niya ang damit ko dahilan para mahubaran ang aking pantaas. "P- - - Pakiusap wag po." halos hindi ko alam kung ano ang sasabihin para lang makawala ako, hindi ko na alam!

Hinubad niya ang kanyang damit saka humarap na parang adik, pumikit ako at nagdasal hanggang sa may nabasag na mas nagpalakas ng kaba at takot sa dibdib ko, pagdilat ko ay hindi ako makapaniwala. "S- - - Step?, Y- - -Yen?" may dala silang cellphone at mukhang kanina pa ako kinukuhanan.

"Masyado nang malayo ang narating ng career mo kaya mas pasisikatin ka pa namin ngayon." sabay tawa ni Step na patuloy sa pagkuha ng video.

Si Yen ay nakayuko lang at tila hindi gusto ang ginagawa. "B- - - Bakit? Yen? Bakit niyo ito ginagawa?"

"Layuan mo si Joao!" hiyaw ni Yen na ikinagulat ko.

"Sige na gawin mo ang gusto mo sa babae na iyan." utos ni Step sa lalaki.

"H- - - Huwag!" hiniklat din niya ang laylayan ng aking palda, hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak sa sobrang takot. Masaya nila akong pinanuod na walang awa sa maaari kong sapitin.

Inumpisahan niyang haplusin ang mukha ko pababa sa aking hita, gusto ko ng mamatay sa nararanasan ko ngayon! "Tama na! Pakiusap po wag po!" tila bingi ito at patuloy lang sa kaniyang ginagawa at dinig ko ang pagtawa ni Step.

Nang mapupunit na ang suot kong palda ng tuluyan, narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto.

"F**k!" biglang may sumapak sa lalaki, napapikit ako dahil hindi ko na alam. Marami siyang kasama, pagdilat ko sabay bukas ng ilaw.

"Mga hayop kayo!" sinampal ni Chunkee sina Yen at Step. Teka si Chunkee? inaninag ko pa at nandito sila Ford, Niel, Russell, Tony at si Joao?

Hindi ko na alam ang nangyayari pakiramdam ko mamamatay na ako, naramdaman ko na lang na ibinalot ni Joao ang jacket niya sa akin at hanggang sa nagdilim ang aking paningin.







Joao's POV

"Ford kayo na ang bahala."

"Makakaasa ka Joao." inutusan kong sila na ang lumakad upang makulong ang hayop na gumawa kay Jill ng kahalayan. Gusto kong tadtarin iyong hayop na iyon, ngunit hindi ako makapaniwala na ang nasa likod no'n ay sina Yen at Step. Nagpapasalamat ako sa janitor na nakakita kay Jill kung paano siya ipinasok sa silid na iyon.

Nasa hospital kami ngayon at binabatayan ko si Jill.

Umupo ako at hinawakan ang kamay niya, para akong dinudurog na wala man lang akong nagawa para iligtas siya kaagad. Kasalanan ko itong lahat!

"Huwag!" nagulat ako bigla siyang sumigaw at tila takot na takot.

"Jill, ako ito. Jill ligtas ka na, nandito na ako." niyakap ko siya ng mahigpit at iyak lang siya ng iyak, halos mapunit ang aking puso sa nangyayari ngayon. Ako na siguro ang pinaka walang kwentang tao sa mundo dahil hindi ko siya nahanap agad!

"Joao," humihikbi siya at yumakap ng mahigpit sa akin na lumusaw sa buong pagkatao ko.

"Jill, hindi ko na hahayaan na mangyari sa iyo ulit ito at po-protektahan kita kahit buhay ko ang kapalit." bumagsak ang luha sa mga mata ko, tanging yakap ng pagmamahal ang iginawad ko sa kaniya na sana kahit paano ay maibsan ang takot niya.

"A- - -Akala ko," *sobs*

"Sssshh, wala na siya at nandito na ako hindi na sila muling makakalapit sa iyo. Magiging maayos din ang lahat at hindi ko na kailanman bibitawan ang iyong kamay pangako iyan." hinaplos ko ang pisngi niya na basa ng luha. "Kailanman hindi tayo maghihiwalay, kapit kamay na lalaban sa pagsubok at nangangakong walang bibitaw." bigla niya akong niyakap ng mahigpit at ramdam ko pa din ang takot niya.

"Huwag mo akong iiwan."

"Hindi na muling mangyayari pa iyon. Jill mahal kita, mahal na mahal." tanging higpit ng yakap ang kaniyang isinagot.



Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pintuan at bumungad sila Manager Rick, Chunkee at si Drake.

"Ate!" patakbong yumakap si Drake kay Jill na puno ng pag-aalala.

"Ang baby namin, miss mo ba ako?" pinipilit ni Jill maging maayos sa harapan ng kaniyang kapatid upang hindi nito maramdaman ang pinagdaraanan ngayon.

"Jill," malungkot na hinawakan ni Manager Rick ang kamay ni Jill, nginitian niya ito na para bang pagod.

"Jill, halika na uwi na tayo ng Sisi Province tapos punta tayo sa Tukban at mag-picnic doon." kita sa mga mata ni Chunkee ang wagas na pag-aalala.

"Gusto ko iyan Chunkee, hayaan mo kapag maayos na ang lahat pupunta ulit tayo doon." pinilit sumagot ni Jill kahit gusto na niyang umiyak, gusto niyang ipakita sa lahat na matapang siya.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon