Chapter 13

127 12 0
                                    

Chunkee's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Chunkee's POV

Halos lahat kami ay pansin kung ano ang nangyayari, kung ano nga ba talaga ang problema kela Joao at Jill na tila hindi matapos-tapos. Mahal nila ang isa't isa ngunit bakit parang hindi pwede?

Ayokong makialam sa nararamdaman ni Jill dahil alam ko kung ano ang gusto niyang unahin. Parati niyang sinasabi noon na di bale na lang siya basta't masaya, malusog at gumaling lang ang knaiynag kapatid na si Drake.

Hindi ko yata kakayanin ang katatagan niya sa buhay, marahil ay sumuko na ako.

"Oh, seryoso natin ah." sabay upo ni Niel sa aking tabi saka inagaw 'yung softdrinks ko.

"Sus, kunwari pa nauuhaw ka lang eh."

"Hindi mo ako na-miss?"

"Ang kapal talaga oh , at bakit kita ma-mi-miss? halos araw-araw nagkakasama tayo hallleeeer!" sabay irap.

"Excuse me, hindi araw-araw dahil pumapasok ka sa school."

"Dadaan ka ba?"

"Pilosopa."

"Bakit ka ba kasi andito?" inis kong tanong.

"Sabi mo nga, nauuhaw nga ako."

"Eh bakit nang-aagaw ka pa ng inumin? Ang yaman mo na pwede kang magpabili."

"Teka nga, bakit ba ang sungit mo? Meron ka ba? Saka mayaman lang ba pwedeng magpabili? Paano naman akong isang dukha lang?" pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya."

"Grabe ka magtanong, may dukha ka pang nalalaman hindi bagay sa 'yo magpaka humble diyan! saka ano'ng gusto mong maging reaksyon ko?"

"Kikiligin." tatawa-tawa niyang wika.

"Yabang ahh."

"Pogi naman."

"Hooooohhhh tatangayin ako sa 'yo."

"Edi maigi para naman kasama mo akong matangay."

"Argh! Doon ka na nga!"

"Chunkee," bigla niyang hinawakan ang aking kamay saka sumeryoso ng tingin. "

"Ano ba?" sabay bitaw sa kamay niya.

"Ang sensitive mo Chunks, itatanong ko lang naman sana kung gusto mong sumama sa Fun run eh." gusto kong lumubog sa kinauupuan ko sa hiya na nag-assume ako na iba ang gusto niyang iparating.

"Haha Fun run? Ayoko." sabay talikod.

"Eh, Sad run?" pumikit-pikit pa ako sa itinanong niya. "Ano? Hindi ko gets?"

"Lagi naman eh, haha tindi walang suporta ah."

"Parang tanga ka Niel, ewan ko sa 'yo."

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon