Manager Rick's POVMay mga bagay talaga sa mundong ito na hindi mo maipaliwanag, tulad nalang ng isang damdamin na pilit pinipigilan wag lamang masaktan at nakikita ko ang sarili ko kay Jill sa aspetong 'yon.
Sa tuwing magkasama sina Yen at Joao at dedma lang kunwari si Jill, damang-dama ko kung gaano siya nasasaktan na maaaring itinatago lamang niya upang wala kahit na sino ang makapansin niyon. Pero iba ako, at kahit ano pa 'yon ay hindi niya maiitago sa akin.
"Manager Rick, gusto niyo daw po akong maka-usap?" untag ni Jill, kanina ko pa kasi siya hinihintay rito sa isang kalapit na bar sa condo nila. Ipinaghila ko siya ng upuan. "Sorry medyo late na ba ako? Pinatulog ko pa po kasi si Drake at sila ni Chunkee ngayon ang magkatabi kasi hindi po sanay ang batang 'yun na walang katabi.
"Ayos lang Jill, ano ang gusto mong inumin?"
"Po? Hindi naman po ako umiinom ng alak."
"Sige mild lang."
"Kayo po ang bahala." tapos umorder na lang ako.
"Handa ka na ba?"
"Po? Para saan?" taka niyang tanong.
"Next week na tayo pupunta ng Japan para sa concert tour ng One Dream saka makikita mo na ang nanay mo." masaya kong balita, mukha nanaman siyang anghel sa pag ngiti niya.
"Excited po na kinakabahan, Manager Rick salamat hah sa lahat-lahat nang mga naitulong mo para sa amin." hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya ng maganda.
"Ano ka ba? Kulang ang lahat nang ito sa mga nagawa mo para sa akin noon."
FLASHBACK
"Manager Rick, nasaan po kayo?" mula sa likod ng pintuan ay dinig ko ang pagtawag ni Jill sa akin kaya dahan-dahan akong lumabas. Nang makita niya ako ay bigla niyang binuksan ang ilaw at lumapit sa akin sabay yakap. "Manager Rick, ano'ng nagyari po sa inyo?" gulat na gulat siya na nangingilid ang luha.
"Iniwanan na niya ako, sumama na si Raffy sa ex niyang babae at tinangay niya lahat at wala siyang itinira kahit singkong duling at kahit kaunting pagmamahal raw ay wala siyang naramadaman para sa akin!" *sobs*
"Sssshhhh." kumuha siya ng towel at pinambalabal niya iyon sa akin. "Binugbog ka ba niya?" hindi ako nakasagot dahil tanging pag-iyak lamang ang nagawa kong isagot.
"H------Hindi na niya ako mahal! Hindi kasi ako isang ganap na babae at hindi ako maganda!" *sobbing* pinahiran niya ang luha ko.
Marahan niya akong tinulungang tumayo para maka upo sa kama at sa harap nito ay may malaking salamin.
"Nakikita mo ba ang 'yong sarili? Maaaring puno ka ng galos,pasa at sugat sa panlabas mong kaanyuan pero wag mong iisipin na hindi ka maganda, bulag si Raffy dahil hinayaan niyang manuot sa pagkatao niya ang tukso! Ang tanga-tanga niya dahil iniwan niya ang tulad mong mapagmahal, mabait at higit sa lahat ay tunay na maganda." bigla akong huminto sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Isang Pangarap (Completed)
Teen Fiction"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo." Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...