Chapter 39

52 5 0
                                    

Manager Rick's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Manager Rick's POV

Natapos na ang concert pauwi na kami ng Manila, kinalaingan mag stay ng dalawang araw para sa isang proyekto na gagawin namin. Kaya heto ngayon pa lang kami uuwi. Napakagaling ni Jill sayang lang at sabay ng operation ni Drake kaya hindi niya ito nasaksihan pero mabuti na lamang at may record ako na video para paggising ng kaniyang kapatid ay mapanuod ito.

Nasa sasakyan kami at pinagmamasdan si Jill naka-ngiting mag-isa habang pinagmamasdan ang daan. Isa ako sa saksi kung paano siya bumangon kahit mahirap at ngayon ay natutupad na ang mga pangarap niya.

Bilib na bilib ako kung paano siya tumayo sa hamon ng buhay, walang mga magulang ay mag-isang binuhay si Drake na kahit sarili niyang buhay ay ibabahagi para lamang sa kapatid niya.





Habang nasa ganoon isipin ako ay biglang tumunog ang cellphone ni Jill dahilan nang pagkawala nang mga kinang sa kaniyang ngiti at agad napalitan ng mga luha na ikinagulat ko kaya ako'y lumipat at tumabi sa kaniya.

Habang nasa ganoon isipin ako ay biglang tumunog ang cellphone ni Jill dahilan nang pagkawala nang mga kinang sa kaniyang ngiti at agad napalitan ng mga luha na ikinagulat ko kaya ako'y lumipat at tumabi sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanginginig siya at hindi makapag-salita.
"Jill, bakit? Ano'ng nangyari?" patuloy ang iling niya sa akin at iyak lang siya ng iyak.


Ilang oras din ay narating namin ang hospital at halos talunin ito ni Jill, binilisan ko din ang takbo para maabutan ko siya.

Hanggang sa narating namin ang ER na ipinagtaka ko. Halos hindi nagpapigil si Jill at ako man ay hindi napansin si Chunkee na sumalubong sa akin at umiiyak.

Halos mapatid ang hininga ko dahil hindi ko gusto itong nararamdaman ko.

"Chunkee, bakit ka umiiyak? Ano ba ang nagyayari?"

"S- - - Si D- - Drake!" iyon lang ang nabanggit niya at halos iyak na lang ang narinig ko maski ang mga magulang ni Chunkee ay ganon din. 

Si Jill ay nanatiling tulala at nakatayo sa harap ng ER habang pinagmamasdan ang nagkakagulong mga Doctor at Nurses.

Kinakabahan ako, nagdasal ako kahit sa isip ko lang na sana ay mali ang iniisip ko na sana walang masamang mangyari dahil ikamamatay ni Jill kapag may hindi magandang nangyari sa kapatid niya at hindi rin namin kaya iyon.

Nasa Japan pa sila Joao pero tumawag siya sa akin na uuwi na din sila bukas.

Pinilit kong lumapit kay Jill at tila hindi matinag at tulala pa din. Ramdam ko kung ano ang nararamdaman niya para siyang nawawasak sa kawalan.



Mayamaya pa ay may mga pulis na dumating at mas lalong hindi ko na maintindihan.
Bumaling ako ulit ako kay Chunkee at nagtanong.

"Kumalma ka at sumagot ka ng maayos Chunkee pakiusap!" umiiyak pa rin siya.

Akmang magsasalita na si Chunkee sabay labas ng mga Doctor. Lahat ay malungkot at tila walang mukhang maiharap kay Jill.

Marahang pumasok ng silid si Jill at nakasunod lang kami sa kaniya. Tahimik lang at walang luha pero ramdam namin na nawawasak na siya sa sobrang sakit.

Puting kumot.

Nakatakip na ng puting kumot ang buong katawan ni Drake.

"Time of death 9pm." lahat sila ay umiiyak at ako man ay hindi ko napigilan ang pag-agos ng aking luha.

Paano ito nangyari? Bago siya operahan ay binigyan nila ng assurance si Jill na magiging successful ang operation pero bakit ganito? Bakit mayro'n din mga pulis?

Nanginginig na lumapit si Jill sa kaniyang kapatid at maingat na hinaplos ang mukha nito saka umupo sa tabi nito ay paulit-ulit hinalikan sa noo nito si Drake. Halos sumabog ang puso ko sa nasasaksihan.

"D- - - Drake, nandito na si ate. Alam mo ba na successful ang mini concert ko tapos ang daming tao lahat sila masaya na makita akong nag pe-perform. Sabi ko nga kapag gumaling ka na isasama kita para mapanuod mo ako dahil pangarap mo 'yon diba? Ang makita mo akong kumakanta sa harapan ng maraming manunuod? Nandito na ako Drake, nandito na ako."

Habang sinasambit iyon ni Jill hawak niya ang kamay ng kapatid at siya ay hindi lumuluha, nakikita namin ang pagkawasak, dinig ang basag niyang boses ngunit kahit isang patak ng luha ay wala, na kung susumahin ay ang pinakamasakit na pakiramdam.

"Jill," sambit ni Chunkee sabay hikbi.

Pinahid ko ang luha ko saka lumapit kay Drake at hinalikan ito sa noo.

"Manager Rick." nagulat ako nang sambitin ni Jill ang aking ngalan.

"Jill, Ano iyon?"

"Maaari niyo po ba akong samahan mamaya para pumili ng isusuot ni Drake? Samahan niyo po ako sa isang sikat na designer." malungkot ko siyang tiningnan at tumango na lamang.

Patuloy siyang nakatitig at hawak pa rin ang kamay ng kapatid niya.

Lumakad ako at lumabas dahil gusto kong malaman kung ano ang kinalaman ng mga pulis kung bakit nandirito sila.

"Manager Rick." patakbong sumunod si Chunkee sa akin.

"Chunkee, bakit? Alam mo ba kung bakit ang daming pulis?" bago siya sumagot ay nagpahid muna siya ng kaniyang luha.

"Gabi po nangyari, may pumasok sa loob ng silid ni Drake. Lalaki daw at nakatakip ang mukha, base sa CCTV tinanggal nito ang oxygen ni Drake at ang ibang aparato na nakakabit. Maaaring hindi alam ng gumawa na mayroong CCTV sa loob ng silid." napatakip ako sa aking bibig at tila hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Chunkee.

Lutang ang isip ko sa bagay na iyon dahil ang buong akala ko ay sa isang pelikula lamang iyon nangyayari at imposibleng mangyari sa totoong buhay. Hindi ko alam kung paano na, dahil sigurado akong hindi kaya ni Jill.

Umupo ako sa isang sulok at tila walang mahanap na salita dahil parang tinutusok ang puso ko para kay Jill. Si Drake ang buhay ni Jill at wala akong makitang paraan para mabawasan ang sakit na bumabalot sa kaniya.

Nasasaktan ako para sa kaniya dahil lahat nang pinaghihirapan niya ay para lamang kay Drake. Sa gitna nang kaniyang kasikatan ito ang bungad.

Pero isang malaking palaisipan sa akin kung sino ang gumawa no'n at bakit nila iyon nagawa? Napaka walang puso nang taong gumawa nito na sana'y mahuli at maparusahan ang salarin nito!

"Manager Rick, tumawag po si Joao nasabi ko ang nangyari." tumabi si Chunkee sa akin para sabihin iyon.

"Ganoon ba? Siguradong nagulat silang lahat lalo na si Joao hindi mapapalagay dahil sobrang mahal niya si Drake.

"Manager Rick, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko para mabawasan ang nararamdaman ni Jill ngayon kasi kahit ako man ay mababaliw na." umiyak siya ulit, inihilig ko siya sa aking balikat.

"Ako din Chunkee walang maisip para akong matutunaw sa sakit lalo na ang makita at titigan si Jill na gano'n. Ang bata pa ni Drake para mawala na sana na-enjoy niya ang mga bahay na hindi niya nagawa. Idol niya ang ate niya at alam mo ba na si Drake ang nagpupumilit na mapanuod niya si Jill sa entablado? Pero ngayon parang binalutan ng puro sakit at halos wala akong makitang paraan para ibalik ang buhay ni Drake" hindi ko na napigilan at napaluha na din ako.

Ang tanging magagawa namin ngayon ay dapat na alalayan si Jill at ipagdasal si Drake. Kailangang mahuli kung sino ang gumawa nito dahil hindi sapat na parusa lamang ang igawad sa hayop na iyon!

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon