"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jill Amble's POV
Isang buwan na din ang nakalipas simula nang huli kong maka-usap si Joao. Pero 'di ba dapat ay masaya ako? Ito naman 'yung gusto kong mangyari, kaya lang bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan pero bakit parang nasasaktan ako?
Sa tuwing may babae na lalapit sa kaniya maluwang ang pag ngiti niya, pero kapag ako na parang kasalanan ko ang lahat kung bakit hindi man lang gumuhit ang isang ngiti sa labi niya.
"Ano ba talaga ang gusto ko?" bulong ko sa aking sarili sabay buntong-hininga.
Ilang sandali pa ay nagpasya na akong lumabas ng dressing room para sunduin sa School si Drake. Oo nag-aaral na siya tuwing sabado at linggo sa isang special school na ang nag provide ay si Manager Rick, nahihiya na nga ako sa kaniya dahil sobrang bait niya sa amin kaya magsisikap ako para naman masuklian ang lahat nang kabutihan niya.
Habang naglalakad ay biglang may bumunggo sa akin at hindi ko 'to napansin kaya bumagsak lahat ng damit na dala-dala ko. "Sorry po." nakayuko lang ako saka akmang lalakad na sana nang biglang nagsalita ang nakabangga ko.
"Bagay pala sa 'yo ang maging alalay!" kilala ko ang boses na 'yon, marahan akong nag-angat ng tingin.
Hindi ko mapigilan ang magulat dahil sa nasa harapan ko ngayon. "S-----Step?" gulat na gulat kong sambit.
"Oh, nagulat ka? Dapat ako ang magulat dahil paano ka nakatapak rito? Depende na lang kung alalay ka talaga?" taas kilay niyang wika habang nakapamewang.
"Hindi ko kailangan sagutin ang mga tanong mo." akmang lalakad na ulit ako bigla niya akong hinawakan sa aking braso dahilan para matigilan ako.
"Baka hindi mo pa nababalitaan? Isa na ako sa grupo ng APGirls? Galing sa top 50 finalists at ngayon ay ganap na myembro na ng isa sa sikat na grupo sa buong bansa! Kaya salamat sa invitation na para sa 'yo na inangkin ko, alam ko kasing hindi para sa iyo 'yon dahil mas bagay sa akin 'di ba?"
"Wala naman akong itinanong ang dami mo ng sinabi." kalmado kong sagot, dahilan para maramdaman kong galit na siya.
"Aba at!" akmang sasaktan niya ako biglang may pumigil sa kamay niya kaya pumihit ako at napaatras sa nakita.
"Joao?" mahina kong sambit.
"Hanggang dito ba naman Step dala-dala mo 'yang ugali mong basura?" tila napahiya si Step sa sinabi ni Joao, ni hindi siya nakapagsalita kaya bigla siyang tumalikod saka lumakad ng mabilis.
Pinulot ko ulit 'yong ibang damit na nalaglag.
"Bakit ba hindi ka lumalaban?" inis niyang tanong.
"Hindi naman kailangan!"
"Eh kung saktan ka niya?" ramdam ko ang pag-aalala niya sa kaniyang boses.