Chapter 46

23 2 0
                                    


 Niel's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Niel's POV

"Mukhang handa ka na kuya ah." bungad ko kay kuya Joao na inaayos ang damit niya.

"Matagal na bunso, ito na talaga." saka siya ngumiti.

Ilang sandali pa at may pumasok saka may inabot kay kuya, ito siguro 'yong tradisyon na sinasabi nila na bago ikasal nagpapalitan ng regalo ang bride at groom.

"Naks! Buksan mo na kuya." tapos malaki ang ngiti niya habang binubuksan ang regalo.

"Relo." sambit ni kuya at saka niya isinuot iyon. Sunod niyang binasa ang sulat. Inilakas niya ito.


Dear husband,

Kumusta? Alam kong excited ka na at ganoon din naman ako. Sana magustuhan mo itong relo. Relo dahil ang oras at panahon ay ang nagsilbing pag-asa para sa atin. Ang maghintay ng tamang oras at panahon upang makamit ang mga bagay na pinaghirapan. Panahon din ang nakapagsabi kung kailan ang tama para sa ating dalawa. Masaya ako dahil hindi ko na namalayan na ito na pala ang nakatakda para sa pag-iisang dibdib natin. Maraming salamat sa lahat nang mga nagawa mo para sa akin at sa aking kapatid na si Drake noon. Ngayon na ikakasal na tayo wala akong sasayangin na oras para ipakita at iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal. I love you, Husband."

-Your wife.


Biglang tumulo ang luha ni kuya Joao. Kahit ako man ay gano'n, grabe naman kasi ang sulat ni ate Jill masyadong malalim at tagos.

"Kuya ngayon pa lang congrats na." masaya kong bati.

"Thank you Niel. Alam mo hindi ko maipaliwanag itong aking nadarama na tila ba gustong sumabog sa tuwa. Wala na akong mahihiling pa sa itaas kun'di ang gabayan niya kami sa aming kasal at sa aming pagsasama."

"Kuya masaya kaming lahat para sa inyo ni ate Jill, sana'y alagaan at mahalin ninyo habang buhay ang isa't isa. Nandito kaming mga kaibigan ninyo na laging nakagabay din."

"Salamat."

Mayamaya pa at may kumatok at pinagbuksan ko.

"Manager Rick." sabay namin sambit ni kuya Joao.

"Naku, ang mga babies ko." niyakap niya kami. "Tara na at dapat ikaw ang una sa simbahan Joao. Handa ka na ba?"

"Matagal na po Manager." saka kami sabay-sabay lumabas at sumakay ng sasakyan.






Minuto lang at narating namin ang simbahan.

Lahat ay handa na saka inumpisahan ang ceremony. Nauna na ang mga bata na may dala ng rings, flower girls at iba pa. Lumakad na papuntang altar kaming lahat partner ko si Chunkee na hinawakan ko ang kamay at nangarap na sana'y humantong din kami sa kasalan.

Si kuya Ford at Raine. Sina kuya Tony at kuya Russell. At si kuya Joao na inihatid siya ng daddy at mommy niya na ikinagulat niya dahil ang alam niya ay ang mommy niya lang ang 'andito. Siguradong masayang-masaya si kuya Joao.

Lahat kami ay nakatayo at hinihintay dumating ang bride na walang iba kun'di si ate Jill. Lahat kami ay excited siyang makita, dahil ito ang araw na kanilang pinakahihintay at isa ito sa pangarap na matagal na nilang hiniling at ngayon ay natupad na.






Joao's POV

Bumukas ang malaking pintuan at iniluwa nito ang isang napakagandang anghel at walang iba kun'di si Jill ang babaeng aking mahal mula noon at magpakailanman.

Sinalubong siya ng nanay at tatay niya. Oo dahil matapos ang isang taon ay siya na din mismo ang nagpatawad sa mga ito. Nag-usap kami tungkol sa magiging desisyon niya at sinuportahan ko siya.

Habang naglalakad siya sa aisle papalapit sa akin dito sa altar hindi ko naiwasang mapaluha sa sobrang galak na nararamdaman ng aking puso.

Nagsipalakpakan ang lahat. Hinayaan kong may mga press na makapasok sa kasal namin hindi dahil para sa career namin kun'di gusto kong malaman ng buong mundo na ikakasal ako sa taong sobrang mahal na mahal ko.

Hindi ko maiwasang mamangha na para bang isang diwata o anghel na matatawag ang babae na nasa harapan ko ngayon.

Nagmano ako sa mga magulang niya saka ibinigay ang kamay niya sa akin na nagsasabing habang buhay kaming hindi bibitaw.

"I love you." bulong ko sa kaniya dahilan para ngumiti siya.

"I love you too." parang tumalon ang puso ko.





Mahabang seremonya ang naganap tumagal din ng isang oras.

I pronounce you husband and wife. Maaari mo ng halikan ang iyong asawa.

Mas lumakas ang hiyawan at palakpakan. Marahan kong inangat ang belo niya saka marahang hinawakan ang mukha ni Jill at hinalikan siya sa labi.







____

Honeymoon..


"Joao!" binuhat ko siya papasok sa bahay namin na matagal kong pinag-ipunan.

"Bakit Mrs. Gutierrez?" saka ko siya hinalik-halikan sa labi.

"Wait, sa atin 'to?" mangha niyang tanong.

"Oo. Surprise ko talaga sa 'yo ito."

"Ang ganda, sobra." nagulat na lang ako dahil bigla niya akong hinalikan at buong puso ko 'yong tinugon.

Narito kami sa kwarto namin. Ibinaba ko siya saka ko siya niyakap ng mahigpit. "Mrs. ko." bulong ko sa kanya at muli siyang hinalikan.

"Mr. ko, maraming salamat."

"Hanggang sa pagtanda natin ay aalagan kita at mamahalin gano'n din ang magiging mga anak natin." natawa siya ng mahina.

"Ako din. Ilan ba gusto mong anak?" hindi ako sana'y na ganito siya magtanong kaya natawa ako ng mahina.

"Mga walo?" nanlaki ang mga mata niya saka naubo. Ako naman natawa lang.

"Seryoso ka ba? Kaya ko ba 'yon?" hinalikan ko siya.

"Simulan na natin." nagsalita ako habang hinahalikan ko siya.

"Wait lang."

"Bakit? Binibiro lang kita, basta kung ilan lang ang ipagkakaloob ni God sa atin tatanggapin natin iyon ng buong puso." ngumiti siya ng maluwang.

"Actually okay din sa akin iyon kahit ilan." ako ang nagulat sa sinabi niya.

Marahan ko siyang isinandal sa pader saka ibinaba ang zipper ng gown niya. Hinubad ko din ang damit ko.

Hinalikan ko siya sa noo pababa sa mata at pisngi at ilong niya. Ngumiti muna ako bago ko pinaglapat ang aming mga labi, napayakap siya sa akin ng palalimin ko ang mga halik na 'yon.

Inikot ko siya saka pinindot ang off ng ilaw.

"Joao." sambit niya na parang anghel ang boses.

Nag-angat ako ng ulo. "Hmm?" saka niya ako sinalubong muli ng halik. Nag matured na talaga siya.

We both naked. Marahan ko siyang inihiga sa kama at patuloy sa paghaplos sa isa't isa. "Mahal na mahal kita." sambit ko.

"Mahal na mahal din kita." sinambit niya 'yon sa pagitan ng aming halik.


Ako na yata ang pinakasuwerteng lalaki sa buong mundo. Isang napakagandang pag-iisa ang nangyari na hinding-hindi ko malilimutan.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon