"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Step's POV
Masayang-masaya akong umuwi ng bahay dahil sa wakas wala ng asungot rito. Oo tama lahat nang mga nangyari ay sadyang plano ko lamang para maging masama si Jill sa paningin ni Mama at tuluyan na niya 'tong palayasin. Isa na lang ang gusto kong makuha, 'yon ay walang iba kun'di si Joao.
Simula first year high school kami sobrang patay na patay na ako sa kaniya pero biglang umeksena si Jill at nawalan ng saysay ang lahat nang efforts ko.
FLASHBACK
Sisi National High School
"Girl nakita mo ba 'yong pogi na na first year na kaklase ng pinsan mo? Gosh, he's so handsomeeeeyyyyy." with matching talon pa ng bestfriend kong si Yen.
"Kilala ko siya, madalas trouble ang pinapasok niyan, pero girl itiklop mo na ang puso mong naghahangad sa kaniya dahil akin siya!" mariin kong sambit.
"Kainis 'to minsan na nga lang magkaroon ng crush pipigilan mo pa!" inis nitong wika.
"Well, eh sino ba ang masusunod? Ako lang!"
"Oh my! Girl, ayan na siya grabe! Iyong lip bite niya na nakakamatay huwowww!" halos mamatay sa kilig si Yen pero hindi ko ipinahalata na ganon din ang nararamdaman ko.
Nilapitan ko si Joao at biglang pinahiran ang gilid ng labi niya na may kaunting dugo. Lahat ay nakatuon ang tingin sa akin. "Hi ako nga pala si Step." bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at ngumisi.
Hindi ako nagpapahalata sa nakararami na nasasaktan ako sa ginawa ni Joao. "Miss! Umalis ka sa harapan ko!" maawtoridad nitong wika kaya napaatras ako at pakiramdam ko naging jelly ang tuhod ko.
"Oy, Girl hindi mo sinabi close pala kayo, at ikaw pa lang ang nakalapit sa kaniya." ani Yen.
Wala namang nakahalata sa ginawa at sinabi ni Joao, mas na-challenge akong makuha siya.
The next day...
"Gusto mo?" nakaupo sa bench si Joao at nakatingin sa kawalan, nagulat ako dahil kinuha niya 'yong inaabot kong softdrinks.
"Thanks!" parang sasabog sa tuwa ang puso ko, dahil kahit paano may tinatagong bait din 'tong si Joao.
At magmula no'n nakakausap ko siya palagi at naging magkaibigan. Pero dumating sa punto na palagi niyang tinatanong si Jill lalo na at natuklasan niyang magpinsan kami.
Nang mag second year kami hindi ko na gaanong nakakausap o nakakasama si Joao dahil lagi siyang busy at kitang-kita ko ang effort niya na gusto niyang mapalapit kay Jill, pakiramdam ko ginawa niya lamang akong tulay upang magkalapit sila ng pinsan ko.