Chapter 2:

152 15 0
                                    




A/N: Guys Flasbacks pa din ito.


Jill Amble's POV

*FLASHBACK*

Napabalikwas ako ng bangon nang buhusan ako ng malamig na tubig ni tita Leilanie.

"Oh ano'ng!"

"Oh ano? Nasaan ang kinita mo kahapon? Dinekwat mo? Wala kang utang na loob!" galit na galit na ibinalibag ang bag sa akin.

"Po? I-----inabot ko po kay Step kagabi dahil sabi po niya kayo raw po ang nagpapakuha at ibinilin niyo po sa kanya." dahilan ko.

"What? Hoy Jill! Huwag mo akong pagbibintangan diyan dahil maaga akong natulog kagabi dahil napagod akong mag-aral! Letse neto!" pagsisinungaling ni Step.

"Bruha ka! Pagbibintangan mo pa ang anak ko! Hala sige tayo!" hinitak niya ang buhok at kinaladkad palabas ng bahay.

"Aray! Tita, tama na po." pagmamakaawa ko.

Mabuti na lang at tulog pa si Drake dahil ayokong makita niyang ginaganito ako. Ayokong mag-alala siya.

"Nagsilabasan ang mga kapit bahay namin at pinagtitinginan kami.

"Ano? Ilalabas mo ba ang pera o ipapahuli kita sa mga pulis?" pananakit nito.

"W-----wala po akong kinukuha, hindi po ako nagsisinungaling."

"Aba at sino? Ilalabas mo ba o palalayasin ko kayong magkapatid?"

"Huwag po, wala po kaming pupuntahan. Pakiusap baka po magising ang kapatid ko, ayokong makita niya akong ganito." iyak lang ako ng iyak.

"At sino ka para manduhan ako? Kuhanin mo na ang mga damit niyo at lumayas na kayo! Mga letse kayo!" hiyaw niya.

Lumuhod ako sa harapan niya at patuloy na nagmakaawa. Samantala, nakangisi sa likod si Step at tuwang-tuwa sa nasasaksihan niya.

"Leilanie!" biglang dumating si nay Bet.

"Huwag kang makikialam dito Bet! Subukan mo!" nangigigil na sabi ni tita.

Ibinaling niya muli sa akin ang galit at sinampal ako ng paulit-ulit, hanggang sa dumating si Joao.

"Tama na 'yan!" sabay pigil nito sa kamay ni tita.

Iyak lang ako ng iyak habang yakap ang sarili ko.

"Isa ka pa! Huwag kang makialam!"

"Wala kang karapatang saktan si Jill! Ano ba ang problema mo hah?"

"Ninakawan niya ako! Ninakaw niya ang benta kahapon! Mga limang libo!"

"Sa tagal na ginawa ninyong halos katulong si Jill ngayon niyo pa siya pagbibintangan? Sa katunayan pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo!" galit na galit si Joao.

"Bakit hindi ka lumayas sa harap ko? Usaping pamilya 'to!" hindi papatalong sabi ni tita.

"Pamilya?" tumawa ng pagak si Joao. "Ni minsan hindi niyo siya itinuring na pamilya! Oh ayan anim na libo 'yan manahimik ka lang!" initsa ni Joao ang pera sa pagmumukha ni tita.

Tila mukhang aso na pinulot ang pera at hindi ininda ang ginawa ni Joao.

"Oh siya, hindi ko na sila palalayasin." nakangising wika ni tita saka tumalikod.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon