"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...
Gone to soon by: Simple Plan (c) via youtube @SimplePlanLyrics
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Joao's POV
Naibagsak ko ang aking cellphone at napaupo habang nag-aayos ng mga gamit.
"Joao, tara na sa baba kumain muna tayo." hindi ako makasagot para akong pipi hindi ko mabanggit ang gusto kong sabihin. "Joao, ano ba ang nangyayari sa 'yo?"
Ilang sandali pa at dumating din sila Niel, Tony at Ford at sabay-sabay akong niyayaya ngunit wala akong masambit na sagot.
"Joao!" sabay-sabay nilang sambit.
"Patay na si Drake." halos pumiyok ako.
Lahat sila nagulat ay lumapit.
"Joao, biro ba 'to?" tanong ni Russell na hindi makapaniwala.
Lahat sila natahimik, samantalang ako hindi ko alam ang iisipin dahil para itong sasabog.
Kinabukasan...
Japan-> Manila
Halos hindi ako natulog dahil hindi ko alam ang gagawin hangga't hindi ako nakakauwi rito sa Pinas.
"Russell, Niel, Tony at Ford mauna na ako sa inyo nasa hospital pa sila mamaya ng hapon ibuburol si Drake. Tumawag sa akin si Manager Rick." pinilit kong maging matapang at ayokong ipakitang sobrang sakit nitong narramdaman ko.
Tumango sila ng malungkot at sabay-sabay silang sumakay sa van at ako ay sumakay sa service na ipinadala ni Manager Rick dahil kagabi pa lang bago ang flight namin ay ipinakausap ko na 'to sa kaniya.
Nag-aalala ako kay Jill, parang hindi ko siya kayang makitang nasasaktan. Mahal na mahal niya si Drake at ito ang kaniyang buhay pero binawi ito. Ang sakit sa pakiramdam at sobrang bigat lang dahil hindi ko magawang maniwala kasi gusto ko pa rin isipin na pupunta ako do'n at makitang buhay si Drake pero wala na!
Habang nag di-drive sabay ang patak ng aking luha.
Dalawang oras pa at narating ko na din ang hospital. Nag park lang ako saka daling nagpunta kung nasa'n sila.
"Joao!" paglingon ko ay si Chunkee at Manager Rick.
"Si Drake? Si Jill?" sunod-sunod kong tanong.
"Si Drake nandito, halika sasamahan ka namin, konting oras pa at ililipat na siya para sa burol." tahimik akong sumama sa kanila.
Marahang binuksan ang silid at nakatakip ito ng puting kumot, halos hindi ko maihakbang ang aking mga paa ngunit naglakas loob akong lumapit at tingnan si Drake.
Napapikit ako ng mariin at napaiyak.
"Drake diba sabi ko sa 'yo pagbalik ko maglalaro tayo? Bakit hindi mo ako hinintay?" hinawakan ko ang kamay niya ay patuloy sa pag-iyak kasi sobrang sakit lang at ang saklap na kung bakit kailangan magkaganito! Pinahid ko ang luha ko at hinarap si Manager. "Manager Rick, si Jill po?"