"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jill Amble's POV
Maynila
Halos isang buwan na kami rito sa Maynila puro part time job lang ang napapasukan namin ko, kasama namin si Chunkee at dito niya ipinagpatuloy ang pag-aaral niya. Mahirap ang buhay dito sabi nga nila pero masaya kasi wala na akong alinlangan pa sa araw-araw.
Kaunti na lang ang natitirang pera namin ni Drake kaya nag-aalala ako baka hindi ko mabili ang maintenance niyang gamot at ang monthly check up niya ay baka hindi ko na kayanin kaya kailangan kong mag tiyagang maghanap ng permanenteng trabaho.
Mabuti na lang at walang pasok si Chunkee ngayon at masasamahan niya ako, isinama na rin namin si Drake dahil hindi siya pwedeng maiwan mag-isa.
Sinubukan namin magpunta sa Mall at magpasa ng resume. Nang makarating ay agad kaming nagpasa kung saan-saan.
"Teka lang Jill, maupo na muna tayo mukhang pagod na si Drake." umupo muna kami sa food court.
"Drake," lumuhod ako sa harap niya at pinunasan ang mukha nitong pawis na. "Pasensya ka na hah, kailangan kasi ni ate na makahanap agad ng trabaho. Sabihin mo lang kapag pagod ka na hah."
"Okay lang po ate, gusto kong kasama ka pati si ate Chunkee." kusa akong napa ngiti sa sinabi niya, nakakatuwa kasi nakakapag-salita na siya ng diretso at wala ng utal sana ay tuloy-tuloy na. Sana mapa opera ko na rin siya sa puso.
"Ang sweet naman ni Drake. Mabuti na lang at sinabi mo kaagad sa akin na luluwas na kayo papunta rito sa Maynila at panatag na din kami ni Mama dahil wala ng kontrabida sa buhay ninyo." bigla ko namang kinurot sa tagiliran si Chunkee. "Aray! Bakit ba?" pabulong nito.
"Huwag mong binabanggit 'yon kapag nakaharap si Drake." bulong ko.
"Okay, sorry na." natatawa niyang sagot kaya nguniti na lang ako.
Akmang tatayo na kami nang biglang mya tumawag ng pangalan ko mula sa likuran namin.
"Jill?," lumapit siya. " Jill Amble? Tama ikaw nga." biglang yumakap ang lalakeng este gay na ikinagulat ko pa.
"Po?" tinitigan ko siya.
"Si Manager Rick 'to, hindi mo na ba ako natatandaan?" napatakip naman ako sa aking bibig.
"Manager Rick? Ikaw ba 'yan?" hindi ko siya nakilala kasi mukha na siyang babae ngayon. "Hala, kamusta na po?" gulat na gulat pa din ako.
"Ang laki na ni Drake, oh Chunkee? Kamusta kayo? Bakit nga pala hindi ka nag-audition? Nagpunta ako sa inyo month ago at ipinabigay ko sa pinsan mo ang invitation para makapag audition ka."
"Po? Wala po akong natatanggap? Halos isang buwan na po kaming naninirahan rito dahil umalis na po ako do'n." natahimik at tila nag-isip si Manager Rick.
"Kung ganon, kaya pala nakapasok sa top 50 contestants 'yong pinsan mong si Step dahil siya ang nag-audition."
"Ano? Mang-aagaw talaga ang bruhang 'yon!" sabat ni Chunkee.
"Chunkee!" suway ko. "Ganon po ba? Ayos lang po hindi naman na ako magtataka kung hindi niya ibinigay ang invitation sa akin." malungkot na tumingin sa akin si Manager Rick. "Ooh, wag na po kayong malungkot. Proud na proud po ako sa inyo dahil sa wakas sikat na sikat na sila Niel,Russell,Ford,Tony at at at Joao."
"Na dapat ay kasama ka nilang namamayagpag ngayon."
"Manager Rick, nakaraan na po 'yon. Masaya ako para sa inyo at sa kanilang lahat."
"Oh siya, bakit nga ba nandito kayo?"
"Eh kasi po si Jill naghahanap ng trabaho kasi," agad kong tinakpan ang bibig ni Chunkee.
"Trabaho? Tumpak! Sakto!"
"Bakit po?" taka kong tanong.
"Kukuhanin kitang Stylist malaki ang sweldo at bibigyan pa kita ng bonus." masayang sabi niya.
"Parang ang layo naman po sa alam ko 'yon, Iyong course ko Management tapos talent ko pagkanta eh ano po ang alam ko do'n?"
"Alam kong kaya mo, diba nanunuod ka ng mga kpop group? Sigurado akong may ideas ka."
"Huwag ka ng tumanggi." sabay siko ni Chunkee sa akin.
"Eh saan po ba?"
"Sa ABC-XYZ."
"ABC-XYZ?" sabay na nasambit namin ni Chunkee.
"Oo, eh doon nakapirma ng kontrata ang One Dream diba? Saka magkakaibigan naman kayo dati siguradong wala ng ilangan pa, actually dalawa ang kailangan ko pwede ka ba Chunkee?"
"Opo, opo!" walang ano-anong sagot ni Chunkee, ako naman ay hindi mapakali dahil kung papayag ako parang hindi mabuti na magkita ulit kaming anim lalo na ni Joao.
"Masyado pong malayo sa tinitirhan po namin at isa pa nag-aaral pa ai Chunkee and hindi pa po ako graduate." dahilan ko.
"Ako na ang bahala sa Condo ninyo tabi mismo ng One Dream saka kapag kumikita na kayo doon niyo pa lang ako huhulugan para naman may mapundar kayo saka kawawa naman si Drake oh para maraming titingin sa kanya habang nasa work ka and si Chunkee ako na bahala sa sched. niya, so ano ayos na? Heto ang card ko sana this week tawagan ninyo ako kasi kailangan ko talaga." agad kinuha ni Chunkee ang card.
"Sige po, salamat tatawag po kami." bumeso lang sa amin si Manager Rick at saka umalis na, hindi pa din ako makapag salita kaya napaupo na lang ako.
"Jill, lunukin mo na muna 'yang pride mo, alam mo kahit hindi mo sabihin alam kong namomomroblema ka para sa monthly check up at maintenance ni Drake kaya tanggapin mo na." sunod-sunod ang lunok ko at hindi pa din bumabalik sa wisyo ang utak ko dahil sari-sari ang naiisip kong puwedeng mangyari.
Kinagabihan.
"Iniisip mo pa rin ba 'yong alok ni Manager Rick?" untag ni Chunkee.
"Hindi ko alam kung nanadya ba ang tadhanda at sa laki ng Maynila magkikita pa kami, nagtatalo pa rin ang isip at puso ko."
"Naalala mo ba ang desisyong ginawa mo noon? Piliin mo kung saan mabubuhay si Drake. Isipin mo na lang na para sa kaniya 'to at pagkakataon mo ng maka-ipon para makapunta ka ng Japan upang kausapin ang Nanay mo." tumingin ako ng malamlam sa kaniya.
"Sige, susubukan ko. Kailangan kong lakasan ang loob ko ayoko munang isipin ang pansariling problema ko mas dapat unahin ang pangangailangan ng kapatid ko." pinat naman ako sa balikat ni Chunkee at saka ngumiti na tila sinasabi na kaya ko 'to.