"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chunkee's POV
Pagkagaling nang hospital ay pabagsak akong naupo at tumingin sa salamin at hindi namalayan ang pagtulo ng aking luha, kusa akong pumikit at sumandal.
"Chunkee." marahan kong idinilat ang aking mga mata, nasa harapan ko na pala si Niel at nakaluhod habang pinupunasan ang luha ko. Pinilit kong ngumiti pero ang hirap. "Magiging maayos din ang lahat."
"Wala akong kwentang kaibigan." at napaiyak na ako sa kaniya.
"Huwag mong sabihin 'yan lahat kami nakita namin kung gaano mo pinahahalagahan si Jill, nagkataon lang ang lahat at wala sa atin ang may gusto nang mga nangyari. Magpasalamat pa din tayo at ligtas siya at ang mahalaga ay hindi mo siya iniwanan."
Niyakap ako Niel at ramdam ko ang pag-aalala niya.
"Sorry kasi nakita mo 'kong ganito."
"Lahat naman tayo may itinatagong kahinaan."
"Sana maka-recover agad si Jill at maparusahan sila Yen at Step lalo na ang hayop na lalaki na iyon!"
"Ang alam ko automatic na tanggal na sina Yen at Step sa grupo nila at ang sabi pa solo artist na lang si Raine at kasalukuyang nakakulong iyong lalaki. Maaring makulong din iyong dalawa ayon sa mga pulis, pero siguradong idadaan ito sa korte dahil kilala ko si Step hindi papatalo at alam mo iyan."
"Kahit naman saan nila idaan mapaparusahan pa din sila. Sana maging okay na talaga si Jill kasi siya iyong tipo ng tao na ayos lang masaktan wag lang ang mga mahal niya na lahat kaya niyang tiisin kahit sobrang bigat at sakit nang pinagdaraanan niya. Ang gusto ko lang naman, sana maging masaya na siya na hindi ko na muling makikita ang lungkot sa kanyang mga mata." umupo si Niel sa tabi ko at ginulo ang buhok ko.
"Tigilan mo na nga ang pag-iyak dahil sigurado akong hindi siya pababayaan ni Joao at saka nandyan si Drake at syempre tayong mga kaibigan niya na parating aalalay sa kanya kahit ano man ang mangyari. Mabuti kang kaibigan kay Jill at sigurado akong magagalit siya kapag nakita ka niyang ganyan at lalo na sinasabihan mo ang iyong sarili na walang kwenta. Mahal ka namin, mahal kita." napatingin ako bigla kay Niel sa huling bitaw niya ng mga katagang iyon.
"Niel?" tanging sambit ko, parang nagulat pa siya pero ngumiti siya.
"Mahal kita." seryoso niyang wika, dalawang beses kong nailunok ang aking laway. Hindi ko alam kung paano at ano ang sasabihin o isasagot. "Hindi mo naman kailangan sumagot agad Chunkee, gusto ko lang malaman mo na mahal talaga kita matagal na."
"Mahal din kita." dalawang beses siyang kumurap na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi. Kahit ako ay nabigla na tila ba kusang lumabas sa aking bibig.
"Chunkee?" napatayo siya at ganon din ako, hinila niya ako at niyakap muli. Ang gana at ang sarap sa pakiramdam, hindi ko maipaliwanag ngunit pakiwari ko'y nagdiriwang ang aking puso. Hindi ko alam pero kanina lang sobrang bigat dahil inaalala ko talaga si Jill, tama kasi si Niel siguradong hindi iyon matutuwa kapag ipinakita kong ganito ako.
"Wow, sobrang magical naman ng pagtatapat ninyong dalawa. Kailangan ko yata ng tissue." pareho kaming nagulat ni Niel at napakalas sa isa't isa. "Binata ka na Niel." wika ni Manager Rick, hindi ko alam kung kanina pa ba niya kami pinapanuod.
"K- - - Kanina pa po ba kayo riyan?" medyo nahihiya ako kaya hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya." biglang lumapit si Manager Rick sa amin dalawa ni Niel ta niyakap ng mahigpit.
"Masaya ako para sa inyong dalawa, at sa wakas itong si Niel hindi na palipit ang dila." bahagya siyang natawa at ganon din kami. "Guys kahit ano man ang mangyari andito lang ako para sa inyong lahat, makakaraos din tayo kung ano man ang pagsubok na ating kinahaharap basta kapit lang." mas humigpit ang yakap namin kay Manager Rick.
"Wow group hug, sali kami." sabay-sabay nakigulo sila Russell, Ford at Tony sa amin.
"Aray! Naiipit ako!" natatawa na lang ako habang nakayakap pa rin ang bawat isa.
"Sana maging maayos na ang lahat para nang sa ganon masaya na talaga ang lahat." wika ni Kuya Russell.
"Sigurado naman akong magiging maayos ang lahat, konting hintay pa tayo saka nakakulong na ang may sala. Ang hindi ako palagay ay kay Step kasi baliw iyon, kay Yen hindi ko lang alam kung bakit siya biglang gumanon." wika naman ni Ford.
"Guys, kanina pala iyong mama ni Step sumugod sa opisina at nagwala." bigla silang kumalas sa balita ni Tony.
Parang hindi na kami nagulat dahil sigurado kaming mangyayari iyon, hindi sila marunong tumanggap ng pagkakakamali.
"Basta magtulungan na lang tayo para mabilis maka-recover si Jill at makabalik sa career niya at masayang buhay kasama tayo at si Drake." puno ng pag-asa ang pagkakasabi ko kaya lahat sila ngumiti.
"Bitawan ninyo ako!" lahat kami ay nagulantang sa boses na iyon lalo na ng pumasok siya dito sa dressing room, halos gusto niyang magwala buti at hawak ng isang guard. "Chunkee! Ilabas mo si Jill at ako mismo ang kakalbo sa kaniya, tinanggalan niya ng pangarap ang anak ko!" pinag-uusapan pa lang namin bigla naman sumugod dito na kanina lamang daw ay sa opisina nagwala.
Magsasalita sana ako pero biglang humarang si Manager Rick.
"Sandali nga lang, ano ba ang karapatan mong magpunta rito? Iyong anak mo na nagmana sa iyo na walang hiya na halos gawan ng krimen si Jill na sarili nitong pinsan at pamangkin ninyo! Paano ka nakakatulog ng mahimbing knowing na may sinasaktan o sinaktan kayo?"
"Tumahimik kang bakla ka!"
"Oo bakla ako kahit ipagsigawan mo pa! Iyang anak mo ang kumuha sa pangarap ni Jill, kung hindi niya pinakialaman iyong invitation edi sana noon pa nakalaya sa puder mo 'yung bata."
Tumikwas ang kilay ni tita Leilanie na tila gusto ng bumuga ng apoy.
"Malas mo at ang anak ko ang nakakuha, pinaghirapan niya pa din kung nasa'n siya ngayon! Lahat kayo may kalalagyan sa oras na ipakulong ninyo ng lubusan ang aking anak!" para siyang baliw.
"Kapag hindi ka tumigil diyan, ikaw ang may kalalagyan!" akmang sasampalin ni tita Leilanie si Manager Rick ng biglang nahagip niya ang kamay nito sabay bitiw dahilan para muntik na siyang mapilay.
"Ide-demanda kita pinilay mo ang kamay ko!" lahat kami ay ibig tumawa ngunit pigil na lang.
"Sa mental ka bagay manang." mahinahon na si Manager Rick. "Guard, ilabas niyo na iyan at baka kung ano pa magawa ko."
"Mga hayop kayo!" dinig pa namin ang sigaw niya habang palabas ng dressing room.
Sigurado kami na hindi lamang ito ang kaya nilang gawin kaya dapat ay maging handa. Hindi sila titigil o tatahimik hangga't hindi nila nagagawang gumanti, kaya dapat madaliin na ang kaso para nang sa ganon hindi na nila magulo si Jill at ang kapatid niyang si Drake.