Chunkee's POVSinadya kong tawagin si Jill, kita ko ang panginginig niya at naumang oras ay babagsak ang luha sa kaniyang mga mata. Masakit sa akin bilang isang kaibigan na nakikitang nagititiis at nasasaktan siya, kung maaari lang sana hindi na siya makaramdam ng ganon dahil alam ko kung gaano kahirap nag pinagdaanan niya at pinagdadaanan.
"Ang lalim naman ng iniisip mo." untag ni Niel.
"Wala, ang sakit lang kasi na makitang nasasaktan si Jill. Hindi alam ni Joao ang lahat, hindi ko siya ma-gets kung bakit kinailangan pang ganituhin niya ang sitwasyon?"
"Hindi din namin masisisi si Joao, sa tagal na nagsama-sama kaming lima alam ng bawt isa sa amin kung ano at kung sino si Jill sa buhay niya. Kahit kami ay nagtatanong kung bakit iniwanan niya kami sa ere pero ni minsan hindi ko siya hinusgahan, nakita ko kasi kung gaano nasaktan si Joao noon."
"Hindi lang naman siya ang nasaktan."
"Ano ba kasing nangyari noon?" curious na tanong ni Niel.
"Ayokong sa akin manggaling, sorry pero wala ako sa posisyon para pangunahan si Jill."
"Tama ka naman diyan, hmm halika." tumayo si Niel saka ako hinila sa kamay.
"Teka, saan ba tayo pupunta?"
"Kakain para naman mahimasmasan ka ayokong pumapayat ka kakaisip sa mga problema."
"Papayat talaga? Yabang talaga."
"Huwag ka ng pakipot alam kong gutom ka na."
"Buti alam mo." masungit kong wika.
"Alam ko talaga, basta umimpis ng bahagya 'yang pisngi mo sigurado akong gutom ka na haha"
"Ang hard mo, magbago ka naman."
"May dapat ba akong baguhin? Gwapo na ako e, ano pang babaguhin ko?" napa-irap ako ng bongga sa kaniya.
"Gwapo talaga? Teka saan banda? Siguro may parating na bagyo ngayon 'no?"
"Mas hard ka e, tanggapin mo na lang pwede?"
"Na ano?"
"Pogi ako."
"Okay fine sige na pogi ka na, ang arte mo." natawa ako ng mahina.
BINABASA MO ANG
Isang Pangarap (Completed)
Teen Fiction"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo." Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...