Chapter 38

51 3 0
                                    



Step's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Step's POV

Tila bumagsak ang mundong aking pinaghirapan. Binuo kong mag-isa ngunit isang tao lang ang nagpaguho! Sisiguraduhin kong guguho din ang mundo at pagkatao ni Jill!

"Ano'ng iniisip mo?" untag ni Yen.

"Plano."

"Plano? Don't tell me para maghiganti?" natawa siya ng mahina.

Inatras daw ni Jill ang kaso laban sa amin ngunit ang naging kapalit ang ang pagkawala ng aming career at pagkamuwi ng mga fans.

"Bakit Yen? Masaya ka ba na ganito na lang tayo? Nagtatago sa mga tao na ang tingin sa atin ay mga kriminal?"

"Hindi ba't krimen ang ginawa natin kay Jill?"

"So, ganon na lang ba 'yon? Kung ikaw mauupo at manunuod na lang, pwes ako hindi!"

"Tanggapin na lang natin na kasalanan ang ginawa natin! Tanda mo pa ba na ganon din ang ginawa mo sa akin Step?" bigla akong natahimik sa tanong niya.

Nilapitan ko siya at tumingin na diretso sa kaniya.

"Yen, nakaraan na iyon sana mapatawad mo ako. Ngayon tayo na lang nila mama ang magkakampi kaya sana kahit man lang sa pangarap na nawala sa atin."

"Hindi ko na alam!" napatakip siya sa mukha niya na tila walang magawa kun'di sumang-ayon.

"Let's go." sabi ko sabay hawak sa braso niya.

"Teka lang, saan naman tayo pupunta?"

"Nasa hospital ang kapatid ni Jill ngayon 'di ba?"

"Oh, e ano naman ngayon?"

"Basta."

"Hindi ko yata gusto ang pinaplano mo Step!"

"Uupo ka riyan o may gagawin ka? Kasi ako hindi mapapalagay hanggat hindi ako nakakaganti! Gusto kong makitang lumuluhod sa sakit si Jill, iyong tipong halos ikamamatay niya!"

"I'm sorry Step pero hindi ko gusto kung ano man ang balak mo!"

"Mahal mo si Joao?"

"Oo, pero hindi sapat na paraan 'yan at hindi naman dapat!"

"Kung uupo ka lang dito habang buhay at hindi ka kikilos malamang ikamamatay mo hanggang sa mabalitaan mo na lang na ikinakasal na si Joao kay Jill!" bigla siyang tumayo.

"Hindi! Ayokong mangyari 'yon, at hindi ako papayag na makita silang masaya habang ako miserable!"

"Good! Oh, ano ang desisyon mo ngayon?"

"Kung ano man ang binabalak mo, suporta na lang ako!" desidido niyang wika.

"Saan kayo pupunta?" biglang dating ni mama.

"Sa hospital." tipid naming sagot ni Yen.

"Hindi niyo na kailangan magpunta do'n a dumihan ang mga kamay niyo."

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" takang tanong ni Yen.

"Basta, manuod na lang kayo. Hindi na natin kailangan tumayo para lang makaganti o dungisan muli ang mga pangalan ninyo."

"Sa sinasabi mo ba na 'yan ma sigurado ka? I mean luluhod ba sa sakit si Jill? O di kaya ikamamatay niya?"

"Higit pa sa iyong iniisip. Ayokong bandang huli ay tayo ang lalabas na talunan, sinira niya ang mga pangarap ninyo, edi ang kapalit ay buong pagkawasak niya!" tumawa si mama na tila isang baliw kaya nakisabay na lang kami.

"Sige ma, tingnan natin ang kalalabasan niyan. Medyo makati na kasi itong kamay ko kaya hindi na ako makapaghintay pa. Excited na akong makita kung gaano gagapang sa sakit si Jill!"






Yen's POV

Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa namin nila Step, ayoko nang ganitong pakiramdam dahil nagtatalo sa puso't isip ko ang maghihiganti o tatanggapin ko na lang.

Ang sakit lang na makita si Joao na sobrang saya sa piling ni Jill na never kong nakita no'ng kami pang dalawa. Ang hirap bitawan nitong nararamdaman ko para sa kaniya, ayokong isuko dahil baka kaya ko pang ilaban sa ibang paraan na alam kong sa akin siya babalik.

"Oh, bakit andito ka?" untag ni Step.
Iniwanan ko kasi sila sa loob at lumabas ako para magpahangin.

"Wala, nag-iisip lang."

"Nagbago na ba ang isip mo? Hahayaan mo na lang?"

"Mahal ko si Joao, sobra ko siyang gustong bumalik sa akin! Hindi ko makayanan ang bawat araw na hindi siya kapiling, pakiwari ko ay sinasakal at nilulunod ako sa sakit!" hindi ko naiwasang mapaluha.

Lumapit si Step at tinapik ako sa balikat.

"Alam mo Yen, hindi mo kailangan pahirapan ang iyong sarili lalo na at may magagawa ka para ibalik ang lahat."

"Step, bakit ba ganyan ka kasigurado sa lahat ng sinasabi mo?"

"Kasi alam kong mangyayari iyon ay walang imposible basta ginusto!"

Noon pa man ganyan na talaga si Step na lahat nang gusto at makukuha kahit makapanakit ng iba wala siyang pakialam.

"Hindi ko na alam."

"Ang hirap sa 'yo Yen masyado kang pinanghihinaan ng loob. Alam mo lakasan mo 'yang loob mo para naman magkaroon ka ng sandigan kasi kapag ganyan ka siguradong wala kang mararating!"

"Bumagsak na nga tayo, Ano pa ba ang mararating natin?"

"Exactly! Bumagsak tayo kaya nga babangon ulit kasi hindi tayo papayag na ganito na lang tayo na parang kriminal na nagtatago sa mga tao! Ngayon kung talagang mahal mo si Joao bawiin mo siya at ipamukha mo kay Jill na sa 'yo lang siya!"

Medyo nabuhayan naman ako kahit paano, kasi wala naman talaga akong pagpipilian.

"Sige, gagawin ko iyan."

"Iyan ganyan ka sana para naman matuloy na natin ang dapat gawin." tumango lang ako at saka ngumiti.

"Sandali lang Step."

"Oh, bakit?"

"Paano kung pumalpak? Doble ang magiging parusa sa atin kapag nagkataon."

"Yen, mag-isip ka nga! Ano ba sa tingin mo? Gagawin natin ito ng malinis na walang halong bahid sa ating mga kamay saka bakit ba ang nega mo?"

"Wala iniisip ko din kasi kung paano."

"Ang isipin mo kung paano makakaganti at mababawi si Joao sa lintik na Jill na 'yon!" mariin niyang wika na tila sagad hanggang buto ang galit.

Hindi na lang ako sumagot, ngumiti na lang ako at pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung bakit ako sobrang kinakabahan sa kanilang binabalak.

Ang tanging gusto ko lang ay si Joao, kahit wala na ang lahat basta siya lang sapat na at ayoko ng maghangad pa ng iba. Alam kong hindi na maiibalik ang career na nawala sa akin at tinatanggap ko iyon dahil ayoko na din naman. Basta gagawin ko at kukuhanin ang dapat ay sa akin!

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon