Chapter 9

112 14 0
                                    

Jill Amble's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Jill Amble's POV

Pagtapak ko pa lang sa first floor ng bldg. na sinasabing magiging condo unit raw namin nila Chunkee at Drake ay agad na kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

Sabi nga ni Chunkee lunukin ko muna ang pride ko dahil para kay Drake 'to.

Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa, samantalang sina Drake at Chunkee ay manghang-mangha. Mayamaya pa ay biglang dumating si Manager Rick.

"Mabuti at pinaunlakan mo ang aking offer Jill." masaya niyang wika habang binubuksan ang pintuan.

"Para po kay Drake." tipid kong sagot.

"Bago ko makalimutan katabi lang kayo ng condo unit nila Joao hah. Pero para makapag bonding kayo pabubutasan ko ang pader na naghahati rito at pagagawan ng pinto para hindi na kayo lalabas pa kasi may CCTV diyan, alam niyo na mahirap na kasi pagpipyestahan sila ng media pati kayo." tumango naman ako.

Parang nagwawala ang puso ko, knowing na nasa kabilang unit lang pala sila Joao. "Salamat po, Manager Rick."

"Nako Jill, wala 'to kumpara sa mga nagawa mong kabutihan sa akin noon. Mamaya may mini concert ang One Dream kaya sa dressing room na kayo magkikita mga bandang 7pm susunduin ko kayo hah. Oh siya mauna na ako may aasikasuhin pa ako, kumpleto na dito ang lahat ng kailangan ninyong tatlo basta kapag may ibang kailangan pa kayo tawag lang kayo hah."

"Salamat po." napalingon kami kay Drake na nagsalita, lumapit si Manager Rick at niyakap ang kapatid ko.

"Masaya ako, kasi nasubaybayan ko kung paano ka pinalaki ng ate Jill mo. Huwag kang mahihiya kung ano ang gusto mo sabihin mo lang hah." saka tuluyang lumabas na si Manager Rick.

Sinimulan naming mag-ayos ni Chunkee at isinalansan ang mga damit at iba pa naming gamit.

"Grabe ang ganda rito Jill, ayoko ng umuwi." natatawang wika ni Chunkee.

"Baliw, tinawagan mo na ba si Nay Bet na nandito na tayo?"

"Oo naman, masaya nga eh kasi daw magkikita na kayo ni Joao," bigla siyang napa takip sa kaniyang bibig pagkabanggit niya no'n.

"Okay lang Chunkee, kasi kahit ano ang gawin kong iwas eh magkikita at magkikita talaga kami kahit pa gusto kong pigilan ang oras. Kailangan handa ako, at ayokong ipakitang apektado ako saka masaya na siguro 'yon."

"Sigurado ka? Eh kulang na lang magpakasal na kayo dati kasi ayaw nang humiwalay sa tabi mo si Joao."

"Ssshhhh, nakaraan na 'yon. Halika tulungan mo na lang ako rito para makapagluto na rin tayo baka gutom na si Drake."

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon