Chapter 28

77 8 0
                                    


Kier's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Kier's POV

Ngayon ko lang na-enjoy ang buhay ko ng ganito, lalo na simula nang makita ko si Jill. Masayang-masaya ako sa lahat ng narating niya at mararating pa.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit nag-iisa ka?" untag ni Jill, halos tumalon ang puso ko sa gulat ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kanya.

"Hah? W----Wala naman, ang tahimik lang dito. Lika upo ka." umusog ako at pinaupo ko siya sa tabi ko. "Kailan ang flight nila?"

"Bukas na, sinasanay ko ang sarili ko na wala si Drake sa tabi ko."

"Pwede mo naman siyang tawagan araw-araw kapag nasa Pilipinas na sila."

"Hmm, Oo naisip ko na din 'yan, basta para sa kanya at sa operasyon niya."

"Ang swerte ni Drake sa 'yo kasi mahal na mahal mo siya."

"Actually ako yata ang swerte na may kapatid akong katulad niya. Hindi ko na alam kung wala siya, malamang walang pinatunguhan ang buhay ko." she sigh.

"Nasa iyo naman 'yon basta ang mahalaga nandyan ka para sa kanya."

"Hmm, pwedeng magtanong?" napalingon ako bigla.

"A---Ano iyon?"

"Bakit pala wala kang girlfriend? I mean kasi ang gwapo mo, mabait saka gentleman imposibleng walang magkakagusto." natawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"Girlfriend? Sabihin na lang natin na hanggang ngayon may hinihintay pa rin ako." saka ako tumitig sa kanya, kita ang pamumula ng pisngi niya.

"Paano kung hindi pala siya?"

"Basta maghihintay ako." mariin kong sambit.

"Ang swerte naman niya." she said, pero alam kong alam niya na siya ang tinutukoy ko.

"Jill."

"Hmm?"

"Okay ka na ba?"

"O--Okay? Bakit mo naitanong 'yan?"

"Wala, kasi kailan lang naman iyon. Si Joao?"

"Ahh, si Joao? Marahil ay masaya na silang dalawa ni Yen."

"Okay ba kayo ni Yen?"

"Ewan ko, pero iniiwasan niya 'ko."

"Sana naman wag niyang kalimutan na minsan mong iniligtas ang buhay niya."

"Saan mo naman nalaman 'yan Kier?"

"Basta."

"Alam mo Kier, hindi ko naman kailangan ipangalandakan sa kanya 'yon. Basta ang alam ko magiging maayos ako, kami ng kapatid ko. Ayoko na munang isipin ang sarili ko."

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon