"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chunkee's POV
Isang buwan na din ang dumaan simula nang makauwi kami rito sa Pilipinas. Madalas kinukuha ni Joao si Drake sa akin kahit busy siya, talaga namang nakikita kong mahal niya 'yung bata at sigurado dahil na din kay Jill.
Natutuwa ako dahil naisasakatuparan na ni Jill ang lahat ng mga pangarap niya, next month na naka-schedule ang operasyon ni Drake.
"Chunkee, tingnan mo 'to." lumapit naman ako kay Niel na tutok sa kanyang laptop. Wala pa naman ay bumungad sa akin ang photo shoot ni Jill at ang ikinagulat ko ay kasama niya si Kier. Ang ganda at nagpagupit siya ng buhok at ang sweet nila.
"I'm so proud of her." sambit ko.
"Ako din, akalain ba natin na mag b-boom ang career niya. Sabagay deserve niya ang lahat nang mga nangyayari sa buhay niya ngayon, pagkatapos ng matinding bagyo nabigyan kaagad ng kulay ang lahat nang paghihirap at pagtitiis niya."
"Tama ka Niel at masayang-masaya ako para sa kanya."
"Tingin mo kay Kier?"
"Hah? Bakit?"
"Mukhang kaya niyang alagaan si ate Jill."
"Siguro, saka nakita ko naman lahat nang hirap ni Kier para kay Jill kaya kung iibig man siyang muli at magiging sila sigurado akong liligaya siya."
"E, ako kailan mo sasagutin?" seryoso niyang wika, nagulat ako sa pag-iba niya ng topic.
"Hoy Niel ano ba'ng pinagsasabi mo?" tumawa ako ng peke.
"Seryoso ako Chunkee." hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mabigla ako.
"Bakit mo 'to ginagawa ni Niel?"
"Matagal na din, Hindi ko maamin sa aking sarili na gusto kita Chunkee. Sorry Kung lahat dinadaan ko sa biro pero this time gusto ko sagutin mo ako ng seryoso. Gusto kitang ligawan." halos manlambot ang tuhod ko sa sinabi niya.
"Niel." mahina kong sambit, gusto kong umiyak kasi gusto pala ako ng taong matagal ko nang mahal.
"Hindi kita minamadali basta maghihintay ako."
"P-----Pumapayag ako." utal kong wika, kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Niel at bigla niya akong niyakap. Iyong yakap na kay tagal kong inasam. "Wait, basta ligaw muna."
"Kahit gaano katagal Chunkee, sobrang saya ko." muli niya akong niyakap kaya natawa na lang ako.
"Ehem." sabay kaming napakalas ni Niel dahil biglang may pumasok sa dressing room.
"Ford? Tony?" feeling ko pulang-pula ang aking pisngi kaya napayuko ako.
"May dapat ba tayong I-celebrate?" masayang wika ni Tony na umakbay kaagad sa amin ni Niel.