Chapter 23

85 12 0
                                    



Np : Isang araw by: Kaye Cal

(c) mj schmidt
Via Youtube

(c) mj schmidtVia Youtube

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Yen's POV

Hindi pa din mapalis sa isipan ko ang makitang magkayakap sina Jill at Joao at ang pangako nito kay Drake.

Biglang may kirot sa puso ko na hindi ko malaman kung paano iiwasan, ang sakit kahit na alam kong kunwari lamang iyon pero bakit ganon na lang si Joao para kay Jill? Ayoko namang mag-isip ng kung ano pero hindi ko maiwasan.

May takot sa puso ko na baka biglang magbao ang isip niya at bumalik na lang kay Jill.

Paulit-ulit kong isinisiksik sa utak ko na wala lang iyon, na tapos na sila. Pero ayokong umeksena dahil alam kong wala pa akong karapatan para harangan si Jill sa puso ni Joao, ayoko siyang ipagkait lalo na kung para sa kapatid niyang si Drake.

Para na akong mababaliw sa tuwing maiisip ko sila.







Kinabukasan...



Dumiretso ako sa ABC-XYZ Bldg. para sa rehearsal at para paghandaan ang tour namin sa Japan kasama ang One Dream.

Inaayos ko ang buhok ko habang lumalakad sa hallway, pag angat ko ng tingin ko ay kasalubong ko na pala sila. Hindi ko alam kung paano, kaya yumuko na lang ako at binilisan ang paglalakad kahit na nginitian nila ako.

Ang makitang kasama ni Joao si Jill ay mahirap para sa akin, ang sikip ng dibdib ko. Kaya imbis na dumiretso ako sa studio, nagtungo ako sa Secret Garden kung saan malimit kong nakikita si Joao noon.

Humangin ng malakas at tila nakahinga ako ng maayos. Umupo ako sa bench malapit sa taniman ng mga roses. Pumikit at sinamyo ang mga bulaklak sa aking paligid.

Ang gaan sa pakiramdam kapag ganito, pero hindi maaaring ganito na lang ako palagi. Ayokong magtago sa nararamdaman ko, sana may mapagsabihan ako kaso wala e ang hirap kasing magtiwala sa ngayon kaya mabuti na rin ito na ako na lang.





"Bakit mo ako iniiwasan?" halos tumalon ang puso ko ng makita ko kung sino 'yong nagsalita.

"Bakit ka ba biglang nagsasalita dyan? Hihimatayin ako sa 'yo niyan e." tumabi si Joao sa akin at tiningnan ako ngunit umiwas ako ng tingin.

"Bakit mo 'ko sinundan dito?"

"May problema ka ba?" pag-aalala niya.

"Wala naman gusto ko lang mapag-isa sana."

"Iyong kahapon, gusto ko lang sabihin na kunwari lang ang lahat. Ayoko kasing masaktan si Drake."

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon