31. #DreamVoice

350 8 0
                                        

Chapter 31

"Dikdikin mo nga sabi yang luya!" Galit na utos ni Wendy habang nandito kami sa kanila.

Agad ko namang ginawa ang utos nya habang sya naman ay nagpapakulo ng tubig.

"H-Hindi ba tayo nagsasayang nitong mga sangkap na ito?" Tanong ko sa kanya.

"Basta gawin mo nalang. Ang dami mo pang sinasabi dyan eh."

Napabuntong hininga nalang ako at tinuloy ang aking ginagawa.

"Maam, heto na po yung mga salabat na pinabili nyo," sabi nung epal nilang kasambahay na si Ramona.

"Pakilagay nalang dyan sa mesa," utos ni Wendy habang abala sa kanyang niluluto.

Lumapit naman yung kasambahay sa mesa kung saan ako nagdidikdik ng luya.

Napahinto sya nang makita nya ako. "BAKIT DYAN KA NAGDIKDIK NG LUYA SA MESA?!" Galit nyang sigaw sa akin.

Agad naman akong napahinto. "B-Bakit?"

"ARRRGGG! MAGMAMANTSA YAN DYAN SA MESA!"

"S-Sorry."

"ARRGG! NAKAKAINIS NAMAN OH!"

Sumabat naman na si Wendy. "Sige na, Ramona. Hayaan mo na sya dyan. Kami na ang bahalang maglinis nyan."

Tiningnan ako ng matalim ni Ramona. "Linisan mo yang mabuti ha!" Bulong nya na may halong pagbabanta.

"S-Sige."

Inirapan nya ako at lumakad na sya paalis.
.
.
.
Natawa si Janna. "Lagi ka nalang pinag-iinitan nung kasambahay nila."

"Ewan ko ba doon. Umabot na kami ng halos dalawang buwan ni Wendy, hindi pa rin nya matanggap na ako ang boyfriend ng amo nya."

Muli syang natawa. "Eh ano ba kasi ang ginagawa nyo ng malditang kikay?"

"Ewan ko ba naman kasi kay Wendy."
.
.
.
"Charan! Luto na!" Tuwang-tuwa na sabi ni Wendy nang ihain nya sa mesa ang kanyang niluto.

Napakunot ang noo ko. "P-Parang ang aga naman natin mag-dinner."

"Wag ka ngang tanga. Hindi tayo magdi-dinner."

"M-Meryenda?"

"Hindi rin." Kumuha sya ng tasa para sa aming dalawa at binuksan ang niluto nya. "Hmm... ang bango naman."

Umuusok-usok pa ito.

Sinilip ko ang loob ng kaldero at napangiwi ako nang makita ito. "A-Ano ba yan?"

"Ito ang tinatawag na Pamagada De Voseza."

"P-Pamagada de...ano?"

Bahagya syang natawa. "Wag ka ma-stress. Imbento ko lang yun. Pampaganda ito ng boses."

Muli akong napangiwi. "Tsk. Ano ba naman yang trip mo."

"Wag ka na ngang kumontra dyan," inis nyang sabi habang nagsasalok sa tasa. Inabot nya sa akin ang isang tasa na may laman. "Sige na. Tikman mo."

"Ahehe... b-busog ako."

"Titikman mo lang para gumanda ang boses mo!"

"S-Satisfied na ako sa boses ko. Ahehe... i-ikaw nalang."

"Bahala ka sa buhay mo." Inirapan nya ako at agad syang uminom sa tasa. "PWE!"

Napangiwi ako. "M-Masarap?"

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon