Chapter 5
"GAME KA NA BA?!" Sigaw ni Lester.
"GAME NAAA!" Sigaw ko din. Napahinto ako nang makitang naupo si Lester. "Uy, game na ako."
"Sandali muna, nagugutom na ako eh."
"G-Ganun ba?"
"Wala ka bang pagkain dyan? Nasaan na yung pinapabaon sayo ng mama mo?" Tanong nya.
Nagtawanan naman sina Nick at Clifford na kasama din namin.
Napabuntong hininga ako at agad na nilabas ang lunch box ko. Binigay ko iyon kay Lester.
"Oy, hati tayo dyan!" Sabi pa ni Nick na agad nakipag-agawan kay Lester.
.
.
.
"Mga patay gutom naman yung mga gangster na yun," inis na sabi ni Janna.
"Well, alam mo naman kung gaano kasarap magluto si mama di ba?"
.
.
.
"Nakikita mo yung guard na yun?" Tanong sa akin ni Nick habang nakaakbay sya sa akin.
"Oo, nakikita ko."
Tumingin sya sa mga mata ko at ngumiti.
"A-Anong gagawin ko sa kanya?"
Tumalikod sya sa akin. "Unang pagsubok, nakawin mo ang hawak nyang batuta at dalhin mo sa amin."
Nalaglag ang panga ko sa aking narinig. "Paano kung mahuli ako?"
Sumabat naman si Lester. "Hindi na namin problema kapag nahuli ka. Basta kapag hindi mo nagawa ang unang pagsubok, hindi ka makakasali sa gang namin."
Hindi naman ako nakasagot.
Muling humarap sa akin si Nick. "Ayaw mo yata eh. Wag ka nang sumali sa gang na-"
"H-Hindi. Gusto ko. Sige, gagawin ko ang pagsubok."
Nagkatinginan naman sina Nick at Lester.
Napatingin ako kay Clifford at nagbuntong hininga lang sya.
.
.
.
"Ginawa mo ang pagsubok?" Tanong sa akin ni Janna.
"Syempre naman, nandoon na ako eh. Ilang hakbang nalang, magiging opisyal na myembro na ako ng gang ni Morgan."
.
.
.
"Sir, nakasuot sya ng black shirt. Hindi nyo ba talaga sya nakita?" Tanong ko doon sa dalawang guard ng school.
"Pasensya na, hijo. Hindi talaga namin nakita ang hinahanap mo," sagot nung isang guard.
"G-Ganun po ba? Sige, salamat nalang po." Bahagya akong lumayo sa kanila at naghintay ng pagkakataon para nakawin ang hawak nilang batuta.
Pero tila mahihirapan ako dahil hindi nila ito binibitiwan. Nakalagay lang ito sa bandang baywang nila.
Naisip kong agawin ito kapag lumapit ako pero nawawalan ako ng lakas ng loob. Huminga ako ng malalim at muling lumapit sa kanila.
"Anong problema?" Tanong nung isa.
Napahinto ako. "Po? W-Wala po." Lumakad ako palayo sa kanila.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko talaga kaya.
Lalakad na sana ako pabalik nang makasalubong ko ang pinaka malditang babae sa balat ng lupa. Nakataas na naman ang kilay nya nang makita nya ako.
Sa pagkakataong iyon, tila nagkaroon ako ng inspirasyon.
.
.
.
"Type mo yung malditang kikay na yun?" Tanong ni Janna.
"Hindi ah."
"Eh bakit sabi mo ginawa mong inspirasyon?"
"Kaya nga. Ginawa kong inspirasyon lahat ng mga ginawa nya sa akin."
.
.
.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakataas ang kanyang isang kilay sa akin.
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
ComédieHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
