25. #Manhid

454 22 11
                                        

Chapter 25

"Next semestre, dito na ako mag-aaral. Ayos ba?" Sambit ni Vincent habang nandito kami sa dating bahay nila kung saan sya lang ngayon mag-isang nakatira.

"B-Bakit? Anong nangyari sa pag-aaral mo sa Cebu?"

Naupo sya sa couch. "Meryenda ka muna oh."

"Sige lang."

"Alam mo kasi insan, nabobored na ako doon sa Cebu. Dito ako galing sa Manila, dito ako pinanganak at dito ako lumaki. This is my home at dito ako titira hangga't kailan ko gusto."

Tumango lang ako sa sinabi nya at kumuha sa meryenda na hinanda nya.

"Justine.."

"Hmm?"

Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Single ba si Wendy?"

Napahinto ako sa aking narinig at napatingin sa kanya. "Ha?"

Bahagya syang natawa. "Ang sabi ko, kung may boyfriend na ba si Wendy?"

"Ahhh... okey." Tapos muli akong sumubo ng hopia.

Marahan nya akong tinulak sa braso. "Uy, ano na?"

"A-Anong ano na?"

"Sagutin mo kaya yung tanong ko."

"Ahehe..a-ano nga ulit yung tanong mo?"

"Kung may boyfriend na ba si Wendy."

"Ah-eh... m-meron na eh."

Napakunot ang kanyang noo. "Sino?"

"Ummm... w-wag kang magugulat ha."

"Tangina. Siguraduhin mo lang na mas gwapo sa akin yang boyfriend nya ha."

"Ha? Ahehe..."

"So sino nga ang boyfriend nya?"

Agad akong nag-isip. "Si...Si Morgan ang boyfriend nya."

"Sinong Morgan?"
.
.
.
"Nagsinungaling ka?" Tanong ni Janna.

"Kaysa naman sabihin kong ako ang boyfriend ni Wendy, edi tinawanan nya ako. At saka wala akong panama doon sa pinsan kong yun."
.
.
.
"Naku, mas gwapo yun sayo. At mas siga pa. Kaya kung ako sayo, wag mo nang balakin na ligawan si Wendy dahil babastedin ka lang nun."

Napasandal sya. "Ganun ba?" Hanggang sa nagbuntong hininga sya. "Pero type ko talaga sya eh. Ang ganda nya, sobra. Yun yung mga tipo ko sa mga babae eh."

Umiwas ako ng tingin at napainom ng juice.

"Liligawan ko pa rin sya."

Naibuga ko ang juice na ininom ko dahil sa sinabi nya. "W-Wag."

Kumunot ang noo nya. "Bakit naman wag?"

"S-Syempre may boyfriend na sya eh. Umm.. bad yun."

Nag-smirk sya. "Asawa nga naaagaw eh, girlfriend pa kaya."

"P-Pero nakakatakot ang boyfriend nya. At saka mahal na mahal yun ni Wendy."

"Yung Morgan?"

"Hindi."

"Ha?"

"Ah-eh, oo, si Morgan nga. Ummm... mahal na mahal yun ni Wendy at hinding-hindi nya iiwan yun."

Napakamot sya sa ulo. "Paano ka naman nakakasiguro? At halatang kilig na kilig nga si Wendy nung makita nya ako kahapon." Tumingin sya sa akin ng seryoso. "Aminin mo nga, ayaw mo ba na ligawan ko si Wendy?"

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon