6. #DEADorALIVE

638 32 4
                                        

Chapter 6

"HOY NERD!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. "B-Boss Morgan?"

Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang may ilabas syang patalim. "Huhu.. Boss Morgan."

"Bwahahahaha!"

"Waaaa!" Agad akong tumakbo palayo. "Tulungan nyo ako! Waaaa!"

Hanggang sa nakita ko ang isang lalaki sa kanto.

"Kuya, tulungan nyo ako! May gustong pumatay sa akin! Uy kuya!"

Humarap sya sa akin.

Unti-unti akong napaatras nang makita ko ang mukha ni Boss Morgan. "SA AKIN LANG SI WENDY!"

"Waaaa!" Sa sobrang taranta ay napaupo na ako sa lapag.

Humakbang sya palapit sa akin at pinipilit ko namang umatras habang nakaupo sa isang madilim na kalsada.

"Huhu.. Boss Morgan, h-hindi ko naman alam na yun pala ang chix nyo eh."

Ngumiti sya na parang isang demonyo.

"Huhu. B-Boss Morgan.."

Inangat nya ako ang hawak nyang patalim. "AAAAAHHHH!"

"WAAAAGGGG!"
.
.
.
"A-Anong nangyari?" Tanong ni Janna.

Huminga ako ng malalim. "Tinadtad ako ng saksak ni Boss Morgan."

Halata namang gulat na gulat ang reaksyon ni Janna.

"Pinilit kong lumaban pero sobra na akong nanghihina."

"T-Tapos?"

"Sa madilim na kalsada, doon na rin ako nalagutan ng hininga."

Kumunot ang noo nya. "B-Bakit buhay ka pa?"

"Bigla akong ginising ni mama eh."

Tiningnan ako ng matalim ni Janna at agad akong kinutusan.
.
.
.
"Magdasal ka kasi bago matulog para hindi ka nananaginip ng kung ano-ano," sabi sa akin ni papa habang sabay-sabay kaming nag-aalmusal.

"S-Sige po, pa."

Habang tahimik kaming kumakain, huminga ako ng malalim para magsalita. "Ma, Pa.."

Napahinto silang pareho at tumingin sa akin.

"Gusto ko pong lumipat ng school."

Kumunot ang mga noo nila.

"A-Anong sinabi mo?" Tanong ni papa.

Umiwas ako ng tingin. "Gusto ko pong mag-transfer."

"Anak naman, bakit bigla mo nalang gustong lumipat ng pinapasukang eskwelahan?"

"Ah-eh, pakiramdam ko po kasi hindi na ako productive sa pinapasukan ko."

"Baka naman tinatamad ka lang."

"Hindi po, ma. Kailangan ko na talagang lumipat ng school."

"Anak, nanghihinayang lang ako."

"Second year college pa lang naman po ako, di ba? Wala naman po sigurong nakakapanghinayang doon."

"Ah basta, hindi ka aalis sa eskwelahan ninyo."
.
.
.
"Natakot kang pumasok?" Tanong sa akin ni Janna.

Tumingin ako sa kanya. "Sino bang hindi matatakot pumasok kung sinindihan na ang mitya ng buhay ko dahil sa paghalik ko sa malditang kikay na yun?"

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon