27. #GivingUp

334 20 0
                                        

Chapter 27

"What's your order, sir?" Tanong sa akin ng isang store crew sa cafeteria ng school.

"Cheesecake and iced tea lang," sagot ko.

"Wait lang, sir." Tapos inasikaso na nya ang order ko.

"Justine!"

Nang lumingon ako sa tumawag sa akin ay nakita ko si Vincent na palapit sa akin.

"A-Anong ginagawa mo dito sa school?" Nagtataka kong tanong.

"Mamayang alas-tres ang pag-take ko ng entrance exam."

Napatingin ako sa relo ko. "P-Parang ang aga mo naman ata masyado."

"Para mas maaga kong makasama ang girlfriend ko." Tapos kumindat sya sa akin.

"G-Ganun ba?" Hanggang sa nakita ko si Wendy na nakaupo sa isang table di kalayuan sa amin.

"Sir, eto na yung order nyo."

Napatingin ako sa crew. "S-Salamat."

"Insan, doon ka na rin pumwesto sa amin ni Wendy para may kasama ka."

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi na. B-Baka makaistorbo pa ako. Sige na, dito na ako." Tapos lumakad na ako paalis.
.
.
.
"Sana sumabay ka na rin sa kanilang kumain. Ewan ko nalang kung makalunok pa yung malditang kikay na yun," inis na sabi ni Janna.

Napabuntong hininga nalang ako.
.
.
.
Wala nang ibang mapwestuhan kaya pinili ko nang pumwesto sa isang bakanteng mesa na malapit sa kanilang dalawa. Tumalikod nalang ako para hindi sila matanaw habang ako ay kumakain.

"Wendy, heto na ang pagkain mo," dinig kong sabi ni Vincent.

"B-Bakit pork?" Dinig kong tanong ni Wendy.

"Masarap yan. Tikman mo."

"Umm... h-hindi pa pala ako nagugutom."

"Sigurado ka? D-Di ba sabi mo kanina gutom na gutom ka na?"

"E-Ewan ko ba. Biglang nawala ang gutom ko."

"P-Pero kasi.."

Dinig ko ang pagtawa ni Wendy. "Okey lang ako. Sige na, kumain ka na."

Napabuntong hininga ako at agad nang tumayo.
.
.
.
"Alam mo, ang unfair din ng malditang kikay na yun. Nung ikaw, nagagalit sya kapag hindi nya gusto ang order mo sa kanya. Tapos kapag kay Vincent, hindi nya magawang magalit."

Ngumiti ako sa kanya. "Sa tingin mo ba magagawa nyang ipakita ang totoong ugali nya sa lalaking gusto nya?"

"S-Sabagay."
.
.
.
"Yes, sir?"

"Umm... isang vegetable salad," sambit ko.

"Wait lang, sir." Ilang saglit lang ay inabot na nya ang inoorder ko.

Nang makuha ko ang order ko ay lumakad ako palapit kina Vincent at Wendy.

"Sigurado kang ayaw mo talagang kumain?" Muling tanong ni Vincent.

Ngumiti si Wendy sa kanya. "Sige lang, kumain ka lang. Okey lang talaga ako."

Huminga ako ng malalim at pinatong ang dala kong pagkain sa harap ni Wendy.

Napahinto silang pareho nang makita nila ako.

"Justine.." sambit ni Vincent.

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi sya nakain ng pork." Huminga ako ng malalim. "Vegetable salad."

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon