Chapter 4
"Boss, sya si Renly," sabi ni Lester habang tinuturo ang isang lalaking nakatayo sa labas ng aming eskwelahan.
Tila lalong nag-beastmode ang itsura ni Boss Morgan nang makita ang naturang lalaki. "Sigurado ka bang nakita mong hinatid nya pauwi si Wendy?"
"Oo, boss. Nakaakbay pa nga sya sa girlfriend nyo eh."
Para bang biglang umusok ang ilong ni Boss Morgan sa galit at tumingin sa akin. "Hoy nerd, banatan mo na yan."
Natigilan ako. "A-Ako?" Gulat kong sabi.
Bigla nyang hinatak ang kwelyo. "Oo, ikaw! Di ba gusto mong makasali sa grupo?"
"O-Opo, boss."
"Pwes, gawin mo ang inuutos ko!" Hinawakan nya ang panga ko. "Yang lalaki na yan ang bagong dumidiskarte sa girlfriend ko. Gusto kong basagin mo ang mukha nya hanggang sa hindi na sya makilala ng mga magulang nya. Naiintindihan mo?" Madiin nyang sabi.
"S-Sige po, boss."
.
.
.
"Nakipag-away ka? P-Pero di ba hindi ka marunong makipag-away?" Tanong sa akin ni Janna.Bahagya akong natawa. "Alam mo ba kung gaano kakaba ang nararamdaman ko nung mga oras na yun?"
.
.
.
Huminga ako ng malalim. Tila nanlalambot ang mga tuhod ko sa sobrang takot."BILISAN MO!" Sigaw ni Boss Morgan na agad akong sinipa sa likod.
Kamuntikan pa akong masubsob..
Dinig ko naman ang tawanan ng iba pa naming mga kasama sa gang.
Lumakad ako palapit sa tinuturo nilang estudyante. Naabutan ko itong naninigarilyo.
"K-Kuya," sambit ko.
Nahinto sya at tumingin sa akin. "Anong problema mo?" Maangas nyang tanong.
"Ummm... m-malakas ka ba?"
Bahagya syang natawa. "Hinahamon mo ba ako?"
"Malakas ka nga ba?"
Nag-smirk sya. "Eh kung sabihin kong oo?"
"Sige nga, kung malakas ka, pasuntok nga sa mukha."
Kumunot ang noo nya. "Ano?!"
"K-Kung malakas ka talaga, dapat hindi ka masasaktan sa suntok ko."
Natawa sya. "Sige, challenge accepted. Go ahead! Hit me nerdy boy!"
Bumwelo ako at sinuntok sya sa pinaka malakas na makakaya ko. Bahagya syang napaatras sa lakas.
Napatingin ako sa gang at nakita kong nakangiti sila sa akin.
"Medyo malakas ka rin sumuntok ah," natatawang sabi nung lalaki habang hinihimas ang kanyang panga.
.
.
.
Tumawa si Janna dahil sa kwento ko. "Hindi ka nga matapang, pero matalino ka naman. Ibang klase ka rin talaga dumiskarte, babe.""Kaya lang, kamuntikan na ako eh."
Napahinto sya. "A-Anong ibig mong sabihin?"
.
.
.
"M-Masakit ba?" Tanong ko."Kahit paano, masakit naman. Ako naman ang magtatanong sayo ngayon, malakas ka ba?" Seryoso nyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko.
Unti-unti akong napaatras sa sobrang takot. "H-Hindi ako malakas eh."
Bigla nya akong inangat sa pamamagitan ng aking kwelyo.
"Ahehe... ang tangkad mo pala," takot na takot kong sabi.
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.