36. #Konsensya

345 8 1
                                        

Chapter 36

You have 4 notifications.

Wendy Sandoval removed the tagged photos on you.

Wendy Sandoval removed the relationship status with you.

Wendy Sandoval removed you on her friends list.

Wendy Sandoval blocked you on facebook.

Napabuntong hininga ako at napasandal sa headboard ng kama habang pinaiikot ang cellphone sa aking kamay.

Napahinto ako at agad na tinawagan si Raya.

[Justine?]

Napayuko ako.

[Hello, Justine. Bakit ka napatawag?]

Para bang may mabigat sa dibdib ko na hindi ko maintindihan.

[Oy Justine, nandyan ka pa ba?]

Huminga ako ng malalim. "Naghiwalay na kami ni Wendy."

[G-Ganun ba?]

Ngumiti ako. "Susunduin kita sa last class mo bukas."

[I-Ikaw ang bahala.]

Matapos kong makausap si Raya ay nahiga na ako, pero hindi ko magawang makatulog dahil tila sa pagpikit ng aking mga mata ay iba ang aking nakikita.
.
.
.
"Para bang nakikita ko si Wendy na nasa loob ng kanyang kwarto at nag-iisa. Nag-iisa habang umiiyak."

Napatingin ng seryoso sa akin si Janna. "Marahil tama ka. Malamang, umiiyak talaga sya."
.
.
.
Lumapit ako sa isang food stall sa loob ng school cafeteriea para bumili ng pagkain.

Ngumiti sa akin ang crew. "Hep, alam ko na ang bibilhin mo. Vegetable salad para sa girlfriend nyong maldita.... pero maganda," natatawa nyang sabi.

Napahinto ako sa aking narinig. "Umm... w-wala na kami."

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. "S-Sorry, sir."

Binigyan ko sya ng isang pilit na ngiti. "Bigyan mo nalang ako ng isang chicken sandwich."

Napayuko sya. "W-Wait lang po, sir."

Matapos nyang ibigay sa akin ang hinihingi ko ay naupo na ako sa bakanteng upuan.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang matigilan nang mapansin kong halos lahat ng estudyante sa school canteen ay napapatingin sa akin.

Yung iba ay magbubulungan pa.

Marahil nagtataka sila kung bakit mag-iisa nalang akong kumakain.

Napabuntong hininga nalang ako at muling kumain.

Pero sobra na akong na-bother sa kakatingin nila sa akin. Napansin ko na tila nakatingin din sila sa bandang likuran ko.

Lumingon ako sa aking likuran at natigilan ako nang makita ko si Wendy na nakatalikod sa akin habang mag-isang kumakain.

Nakaramdam ako ng pagkataranta at hindi alam ang aking gagawin.

Nang makita ko syang tumayo ay agad akong tumalikod sa kanya. Yumuko ako at umaktong kumakain.

Narinig kong inayos nya ang upuan hanggang sa narinig ko na ang yapak na paalis.

Unti-unti akong lumingon at nakita ko na syang palabas ng canteen.

Tumayo ako at sinundan sya ng tingin. Napabuntong hininga ako. Hanggang sa nakita ko ang isang pink na panyo na kanyang naiwan sa mesa na pinagkainan nya.

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon