Chapter 45
"P-Patingin nga ulit ako," seryosong sabi ni Janna.
Huminga ako ng malalim at bahagyang inangat ang aking pang-itaas na damit.
Pinagmasdan nya ang peklat ko sa bandang tiyan. "A-Akala ko totoo ang sinabi ng kaibigan ko sa nangyari dito sa peklat mo."
"Ano ba ang sinabi nya sayo?"
Umiwas sya ng tingin. "W-Wala."
Ngumiti ako sa kanya. "Biruin mo, akala ko katapusan na ng buhay ko. But Im here with you. Yung sugat na naglagay sa bingit ng aking kamatayan.. isang peklat nalang ngayon."
Muli nyang pinagmasdan ang peklat ko. "J-Justine.." Napatingin sya sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit.
.
.
.
Silaw na silaw ako nang subukan kong imulat ang aking mga mata. Wala akong maaninag kundi ang sobrang liwanag.
Gusto kong gumalaw pero tila hindi ko magawa. Ilang sandali pa bago unti-unting luminaw ang aking paningin.
Nakita ko ang kwarto na aking kinalalagyan na ngayon ko lang nakita. Sa tabi ko naman ay aking nakita ang ilang gamit pang-ospital.
Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang nangyari sa akin.
Hanggang sa nakita ko ang isang babae na nakatungo sa gilid ng aking kinahihigaan at natutulog.
Unti-unti akong napangiti habang nakatanaw sa kanya.
Pinilit kong abutin ng aking isang kamay ang kanyang ulo at nagawa ko naman. Hinaplos ko ang kanyang buhok.
Hanggang sa unti-unti syang nagising. "J-Justine?"
Binigyan ko sya ng isang matipid na ngiti.
"J-Justine.." Nakita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha at kita sa kanyang mukha ang labis-labis na pag-aalala.
"Babe.." Hinaplos ko ang pisngi nya at pinahid ang kanyang mga luha.
"Babe, ano ang nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin.." Tanong nya habang humahagulgol sa pag-iyak.
Ngumiti lang ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kanyang isang kamay.
"Nagugutom ka ba o nauuhaw? Sabihin mo lang sa akin.. g-gusto mong ikuha kita ng pagkain?"
Umiling ako. "Please.. wag ka nang umiyak."
Pero tila lalo pa syang humagulgol sa pag-iyak at lalong humigpit ang hawak nya sa aking kamay.
"A-Ayaw kong makitang umiiyak ang girlfriend ko."
Umiling sya at hindi nagawa ang aking pakiusap.
Naramdaman ko nalang din ang pagpatak ng luha ko sa gilid ng aking mga mata. "Please.."
"Babe, mangako ka sa akin. Hindi ka mawawala sa akin. Mangako ka na hindi mo ako iiwan."
Pinahid kong muli ang luha nya. "Tahan na.."
"Mangako ka sa akin!" Galit nyang sabi habang umiiyak.
Ngumiti ako sa kanya at suminghap. "Hindi ako mawawala sa tabi mo."
Ang binitiwan kong huling salita ay lalong nagpatindi ng kanyang emosyon. "Justine.."
.
.
.
"Iyon ang pinaka ayaw kong makita sa lahat, ang makita syang umiiyak."
"Kaya hindi mo na sya nagawang saktan?"
"Hindi lang ako. Kahit sinong tao, hindi ako makakapayag na saktan nila ang mahal ko."
.
.
.
"Mabuti nalang at tinulungan ka ng mga taong nakakita sayo at dinala ka kaagad dito sa ospital," sabi sa akin ni mama habang inaayos ang mga gamit ko dito sa ospital.
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
