16. #Young&Wild

513 24 3
                                        

Chapter 16

"Babe, pupunta daw dito si mama bukas," sabi sa akin ni Janna nang bumalik sya dito sa sala.

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam. Bibisita lang siguro."

Tumango nalang ako. "Kung sabagay, nami-miss ko na rin ang luto ni mama."

"Grabe ka naman. Kung makapagsalita ka parang sinasabi mo na hindi talaga ako masarap magluto ah."

Napangiwi ako sa sinabi nya. "Ikaw lang ang nag-iisip nyan."

Naupo sya sa tabi ko at kumapit sa aking braso. "Ituloy mo na ang kwento mo."

Napatingin ako sa kanya. "Tapos na, di ba?"

"Hindi pa kaya. Sige na, ituloy mo na."

Napabuntong hininga ako at napakamot sa ulo.
.
.
.
"HAAAPPPYY BIIIRTTHDAAAYY!" Tuwang-tuwa naming hiyawan lahat ng ipakita namin kay Clifford ang birthday surprise namin sa kanya.

Napangiti naman sya. "Anong kalokohan ito?" Natatawa nyang tanong.

Tapos sinabuyan sya ng icing ng iba naming mga kababatang kaibigan. "Wooohooo!"

Tawa naman ng tawa ang lahat.

"Oh, may message sayo si mama," sabi pa ng kapatid nyang si Crystel habang hawak ang isang laptop.

"Heellooo, Titaaa!"

"Clifford, anak, happy birthday. Sorry, hindi ako nakauwi ngayon..."

Matapos bumati ni Tita Celsa ay inakbayan ni Clifford si Raya. "Ma, may ibabalita pala ako sayo."

Nakangiti naman si Raya habang akbay sya ni Clifford at pareho silang nakaharap sa webcam.

"Ma, naaalala nyo pa ba itong si Raya Stewart? Girlfriend ko na sya!"

"Wooohooo!" Hiyawan naman ng lahat.

Pinilit kong ngumiti at napabuntong hininga lang ako.

Habang nagkakasiyahan sa loob ng bahay ay pinili ko na munang lumabas para lumanghap ng sariwang hangin.

"Justine, hindi ba pupunta ang papa mo?" Tanong sa akin ng papa ni Clifford na kasalukuyang kainuman ang mga kaibigan nyang tatay din.

"B-Baka susunod po mamayang gabi."

Hanggang sa lumapit sa akin ang isang kasambahay nila na si Manang Betty. "Justine, may naghahanap sayo."

Lumingon ako sa kanya at nakita ko syang kasama si Wendy. "W-Wendy?"

Lumapit sya sa akin at agad akong binatukan. "Bakit hindi mo ako sinundo?!" Galit nyang tanong.

"H-Hindi ko alam-"

"Iimbitahan mo ako dito tapos hindi mo naman pala ako susunduin!"

"Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na pupunta ka eh."

"WALA AKONG SINABING HINDI AKO PUPUNTA!"

"W-Wala ka rin naman sinabing pupunta ka eh."

"Bwiset ka talaga!" Tapos muli nya akong binatukan.

Napakamot nalang ako sa ulo.
.
.
.
"Kung ako siguro ang nasa kalagayan mo  babatukan ko rin sya," inis na sabi ni Janna.

"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, eh kaya lang wala eh. Hindi mo alam kung gaano sya kagrabe magalit."
.
.
.
"Uy, Wendy. Nandito ka rin pala," sabi ng ibang kaeskwela namin na bisita ni Clifford.

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon