8. #RunningCouple

542 26 4
                                    

Chapter 8

"Move forward! Backward! Very good! Then let's try going down! That's right!"

Papikit na ang mata ko sa sobrang antok kakahintay kay Wendy.

Napapatingin sa akin si Wendy kung minsan pero iirapan nya ako kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

Kung minsan, napapaisip ako. Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya? Kung tarayan nya ako, parang ang laki ng nagawa kong kasalanan. Dahil lang ba sa halik?

"Let's move to the left! And to the right! Very good!"

Nang magpahinga sila saglit ay lumapit sya sa akin.

Agad ko namang inabot ang kanyang face towel.

Napatingin ako sa kanya habang nagpupunas sya ng pawis. Huminga ako ng malalim. "Matagal pa ba yan?"

Di naman sya tumingin sa akin. "Kung naiinip ka, magtiis ka."
.
.
.
"Nasaan ba kayo nun?" Tanong ni Janna.

"Sinamahan ko sya sa isang belly dancing activity sa school."

"Belly dancing?" Natatawa nyang tanong.

"Ganun kaarte si Wendy. Puro pagpapaganda at pagpapa-sexy ang alam na gawin sa buhay."
.
.
.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Wendy nang tumayo ako.

"Magpapahangin lang dyan sa labas," walang gana kong sabi.

Wala naman na syang nagawa kaya lumabas na ako ng gym kung saan sila nagda-dance activity.

"Arrrggg! Nakakainis talaga sya!" Inis kong sabi.

"Justine!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin pero wala akong nakitang tao.

"Justine, nandito ako!"

Hanggang sa nakita ko si Clifford na nagtatago sa likod ng halamanan.

"C-Clifford?"

"Halika dito! Bilisan mo!" Nagpipigil nyang sigaw.

Lumakad naman ako agad palapit sa kanya. Pagdating doon, bigla nya akong hinatak sa kwelyo at tinulak pasandal sa pader. Nakita ko ang galit nyang ekspresyon.

"B-Babanatan mo ako?" Takot kong tanong.

"Oo! Babanatan talaga kita dahil sa katangahan mo!"

"B-Bakit ba?"

"Nag-iisip ka bang gago ka?! Hinalikan mo na nga si Wendy, tapos syinota mo pa sya! Bakit mo sya syinota?!" Galit nyang tanong.

Inalis ko ang kamay nya sa kwelyo ko at lumakad ako paharap sa park ng school. "Hindi ko sya syinota. Sya ang may gusto nito."

"Eh bakit ka pumayag?!" Inis nyang tanong habang nakatayo sa aking likuran.

"Binantaan nya ako! Natakot ako kaya pumayag na ako!"

"Eh kay Morgan? Hindi ka ba natatakot sa kanya?"

Humarap ako sa kanya. "Syempre natatakot ako."

"Dapat lang na matakot ka! Alam na ng buong campus na girlfriend mo na si Wendy. Alam mo bang nagwala si Boss Morgan nang mabalitaan nya yun?! At ngayon, gusto ka nyang patayin sa sobrang galit!"

Umiwas ako ng tingin at agad nataranta. "Tsk. H-Hindi ko naman talaga gusto to eh. Yung malditang kikay lang naman na yun ang may gusto na magkaroon kami ng relasyon."

Kiss that Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon