41. #GroundedHearts

343 12 7
                                        

Chapter 41

Nagising ako dahil sa ingay mula sa phone ko. Kahit na sobra pa akong inaantok, pinilit ko nang bumangon para sagutin ito. "Hello."

[Babe.]

Kinusot ko ang mga mata ko. "Oh babe, anong problema?"

[M-May lakad ka ba ngayon?] Ramdam ko naman ang lungkot sa kanyang pananalita.

"Wala naman. Bakit? Gusto mo bang lumabas tayo ngayon?"

[H-Hindi nga ako pinapayagan ni daddy na lumabas ng bahay buong araw eh.]

Napabuntong hininga ako nang maalala ko. "Oo nga pala. N-Napagalitan nga pala tayo kagabi."

[Ikaw naman kasi eh, puro ka kasi halik. N-Nahuli tuloy tayo ni daddy.]

"Tsk. Sinisi mo pa ako. Ikaw nga itong ayaw bumitiw sa labi ko kagabi."

[H-Hindi kaya. Ikaw nga yun eh.]

Bahagya akong natawa. "Okay fine, para walang away, pareho nalang tayo."

[Hindi. Ikaw lang naman talaga eh.]

Napakamot nalang ako sa ulo. "O sige na, ako na ang may kasalanan."

[Justine..] Naiiyak nyang sabi.

"Oh?"

[P-Paano yan, e-edi hindi tayo magkikita ngayon?]

"Malamang. Kaysa naman mabaril pa ako ng daddy mo kung pipilitin natin."

[Babe..]

Napabuntong hininga ako. "Wag ka nang malungkot. Isang araw lang naman. Bukas, magkikita na ulit tayo."

[S-Sige.] Narinig ko pa ang pagsinghap nya na parang batang inagawan ng laruan. [B-Basta wag kang aalis dyan sa inyo. Mamaya kung saan-saan ka magpunta, b-baka landiin ka pa ng kung sino-sinong babae.]

Napakamot ako sa ulo habang natatawa. "Hindi ako aalis at makikipaglandian sa iba."

[P-Promise?]

"Promise. I love you."
.
.
.
"Malamang, hindi mo tinupad ang pangako mo sa kanya," sabi ni Janna.

Napahinto ako at napatingin sa kanya. "Kapag nangako ako sa taong mahal ko, ginagawa ko."
.
.
.
"Mama Fe, gusto mo nitong pop-corn?" Tanong ko nang makabalik ako sa bahay mula sa pinaka malapit na convenience store.

"Hindi na," tipid nyang sagot na kasalukuyang nagluluto ng pananghalian.

Lumakad ako at naupo sa sala para manood ng TV. "Pa, pop-corn po. Gusto nyo?"

Sumenyas lang sya na hindi nya gusto habang abala sa paglilinis ng kanyang bagong baril na niregalo sa kanya ni General Sandoval.

"Pa, bakit pala hindi kayo pumasok ngayon sa office?"

"Day-off ko ngayon. Ikaw? Himala, hindi mo ata kasama ang anak ni General Sandoval ngayong araw."

"Umm... day off ko din po ngayon sa kanya."

Napatingin sya sa akin habang nakakunot ang noo. "Day off?"

"A-Ang ibig ko pong sabihin, w-wala po kasi kaming lakad ngayon."

Bahagya syang natawa at muling binalik ang atensyon sa kanyang ginagawa. "Yun nga ang pinagtataka ko eh."

"B-Baka po kasi magkasawaan kami kapag palagi kaming nagkikita."
.
.
.
"Bakit hindi mo sinabi ang totoo?" Tanong ni Janna.

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon