21. #TheCutieMascot

374 17 4
                                    

Chapter 21

"K-Kailangan ko ba talagang gawin ito?" Tanong ko kay Wendy habang nasa dressing room kami.

"Hoy, Justine! Nangako ka sa akin kahapon na tutulungan mo ako dito, tapos ngayon nag-dadalawang isip ka?" Inis nyang sabi.

"H-Hindi ko naman kasi alam na magsusuot pala ako nitong malaking mascot."

"Alam mo, minsan lang sila makakita ng mascot dito kaya sigurado akong mag-eenjoy sila. Ang ganda ng idea ko, di ba?"

"Ahehe... sana ikaw nalang ang nagsuot nito."

"ANONG SABI MO?!"

"Wala." Napabuntong hininga nalang ako.

"Halika na, Jollibee. Baka kanina pa tayo hinihintay ng mga bata." Tapos hinatak na nya ako palabas ng dressing room.
.
.
.
"Saan ba kayo pumunta?" Tanong ni Janna.

"Sinama nya ako sa bahay ampunan."

"B-Bahay ampunan?"

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
.
.
.
"Excited na ba kayo, mga bata?" Tanong ni Wendy sa kanila.

"OPO!" Tuwang-tuwa na sigaw ng mga bata.

"Heto na ang surpresa ko sa inyo.... SI JOLLIBEEEE!"

"HEELLO!" Malakas kong sigaw nang lumabas ako mula sa likod ng kurtina.

"JOLLIBEEE!" Hiyawan nilang lahat na agad sumugod papunta sa akin.

"W-Wendy.." Natataranta kong sabi.

Nagtalunan pa ang ilang mga bata at sumampa sa aking likuran. Yung iba naman ay nakakapit sa mga paa ko.

"Yehey! Jollibee!"

"Ahehe...W-Wendy, t-tulungan mo ako."

"Wooohooo! Jollibee!" Sumuntok-suntok pa sa tiyan ko ang isang bata.

Hanggang sa nagtulong-tulong silang itulak ako.

"WEENNDDYY!" Sigaw ko.

"Sige mga bata! Kuyugin nyo ang supresa ko sa inyo! Enjoy lang mga bata!" Tuwang-tuwa na sabi ni Wendy.

"WAAAA!" Hanggang sa tuluyan akong natumba.

"Wahahaha! Lampa si Jollibee! Lampa si Jollibee! Lampa si Jollibee!" Sabay-sabay nilang chant habang nagtatawanan.

Habang nasa loob ng mascot, wala naman na akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.
.
.
.
"Sobrang wild din pala ng mga bata sa bahay ampunan," sabi ko kay Janna.

"Marahil nag-enjoy lang talaga sila nang makakita sila ng mascot."
.
.
.
"Masakit pa ba?" Tanong ni Wendy habang hinihilot ang balikat ko buhat nang pagkatumba ko kanina dahil sa mga bata.

"M-Medyo wala na."

Natawa naman sya. "Pero thank you talaga, Justine. Grabe, nag-enoy talaga ang mga bata dahil sayo."

"Ahehe... buwis buhay pala dapat para mag-enjoy sila, ano?"

Muli syang natawa. "Ikaw naman, para naman yun sa mga bata." Tapos marahan nya akong hinampas sa balikat.

"Ahh!" Daing ko.

"Naku, sorry. Hahaha. Masakit nga pala ang balikat mo."

Natawa nalang din ako sa kanya.

Kiss that Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon