Chapter 44
"Mukhang wala namang professor na papasok. Kumain na muna tayo. Nagugutom na ako eh," sabi ni Wendy sa akin habang naghihintay kami sa classroom ng isa naming minor subject kung saan ko sya kaklase.
Napatingin ako sa relo ko. "Five minutes palang ang nakalipas, babe. Baka dumating sya maya-maya."
Lumingon sya sa likuran dahil nakaupo kami sa bandang harapan ng klase. "Tingnan mo, ang unti lang ng pumasok. First day of class naman eh."
"Hayaan mo sila. Alam mo kasi, babe. Once na tinamad ka sa unang araw ng sem, buong semester ka nang tatamarin."
Bahagya syang natawa. "Saan mo naman nakuha yang trivia na yan?"
"W-Wala. Pakiramdam ko lang. Tingnan mo ako, masipag akong pumasok sa unang araw ng klase. Kaya buong semester, sinisipagan ako."
Tumaas ang kanyang isang kilay. "Sinasabi mo bang tamad akong pumasok?"
"W-Wala akong sinasabing ganun."
"Para sabihin ko sayo, masipag akong mag-aral. Tamad lang akong pumasok kung alam kong wala namang gagawin."
Hinawakan ko ang kamay nya. "Dapat lang na sipagan kang pumasok. Syempre gusto ko naman na parehong maganda ang mga trabaho natin kapag mag-asawa na tayo."
Napangiti sya sa sinabi ko. "Pero ang gusto ko, ako lang ang magtatrabaho. Tapos doon ka lang sa bahay natin at mag-aalaga ng mga anak natin."
Napakunot ang noo ko. "D-Di ba dapat ikaw ang nasa bahay lang dahil ikaw ang babae?"
"Ah basta. Ganun ang gusto ko. Mamaya, maakit ka pa sa mga babae sa opisina na papasukan mo."
"Nakilala mo ba akong ganun?"
Muli syang natawa. "Kung sabagay. Di ka naman babaero. Pwera nalang kung maging kaopisina mo si Raya."
Bahagya akong natawa at napailing. "Wala na akong gusto kay Raya."
"P-Pero di ba sya ang pangarap mong babae?"
"Pangarap na babae, pero hindi sya ang pangarap kong makasama habambuhay."
Unti-unti naman syang napangiti. "Basta ako, isa lang ang pangarap ko."
"Ano?"
"Gusto kong mag-travel around the world. K-Kaya lang, mukhang mahirap naman yun."
"Edi tutulungan kitang matupad ang pangarap mo."
Napatingin sya sa akin. "T-Tutulungan mo ako?"
Ngumiti ako sa kanya. "Sasamahan pa kita."
Napangiti naman sya. "Mas gusto ko rin na magkasama tayong dalawa."
Humigpit ang hawak ko sa kamay nya at mabilisan syang hinalikan sa labi.
Natawa sya at marahan akong kinurot sa braso.
"Bakit? Tumatanggi ka na sa halik ko?"
Ngumiti sya ng sarcastic. "May sinabi ba ako?" Tapos hinalikan nya rin ako ng mabilisan sa labi.
"Aba! At talagang ginagantihan mo ako ha." Muli ko syang hinalikan ng paulit-ulit.
"Ang dami nun ah."
"Heto pa isa oh." Tapos hinalikan ko ulit sya.
Bahagya syang natawa.
Nagdikit ang mga noo namin habang nakatitig sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
MizahHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
